Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, March 12, 2010

John Lloyd at Shaina, magkasamang mag-shopping

Last week, Friday to be exact, marami ang nakakita kina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao na magkasamang namamasyal sa EDSA Shangri-La Mall.

Halatang nag-shopping daw ang dalawa dahil kitang-kita ang bitbit ni Lloydie na mga pinamili na siguro ay para sa young actress.

Kung iaanalisa, mukhang open na sina Lloydie at Shaina sa kanilang magandang pagtitinginan dahil nakakaya na nilang magpakitang magkasama sa isang public place.

Alam naman nilang mabilis kumalat ang balita at sa malas ay mukhang ready na sila sa magiging consequences nito.

Sabagay, bagay naman silang dalawa at for sure, they would make a lovely pair.

Ang medyo gumugulo lang sa isip ng marami ay kung totoo ba ang tsismis na si Lloydie ang third party sa splitup nina Shaina at John Prats.

Hindi kasi magandang tingnan siyempre sa part ni Lloydie na nanulot siya at sa part naman ni Shaina, lalong hindi magandang tingnan na nag-e-entertain ng ibang suitor habang may boyfriend pa.


[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES