Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, March 24, 2010

Juday at Ryan ayaw maging bansot ang anak

Kakatuwa naman itong mother-to-be na si Judy Ann Santos, maraming gusto para sa kanyang isisilang mga pitong buwan mula ngayon. Sana raw mamana ng kanyang magiging anak ang kan­yang mga mata. ‘Di bale na raw na maging bilugan din ang mukha nito tulad niya, pero gusto niyang madala nito ang mga mata niya. Kung puwedeng mahiling, ayaw niyang makuha nito ang kakulangan nila ni Ryan sa height. Sana raw ay maging mas matangkad ito kesa sa kanila.

Pero kapag nahihimasmasan siya at nao-over­come yung sobrang kaligayahan na finally ay ibi­nigay na ng Diyos ang pinakahihiling nilang mag-asawa, hiling na lamang ni Juday ay maging ma­lusog ang isisilang niya at maisilang niya ito ng maluwalhati.

“Ke mataba siya o payat, maitim man o maputi, sana ay maisilang ko siya ng normal, malusog at mapalaki namin ni Ryan na isang mabuting anak,” say ng star ng Habang May Buhay na wala palang dahilan para iurong ng network ang pagpapalabas nito dahil maganda ito, at mahusay na naiarte ng cast ang kanilang mga roles.

Ayon sa pinaka-huling resulta ng TNS National Ratings, patuloy na nangunguna ito sa rating na 28.5%. Tiyak na hindi mabibigo ang mga masu­sugid na tagasubaybay ng serye sa mga magkakasunod na pasabog sa buhay ni nurse Jane Alcantara at sa mga taong nakapalibot sa kanya.

Mabuti naman at kuryente lang ang balita na nakunan siya.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES