Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, March 20, 2010

Judy Ann Santos tatalikuran ang career para sa anak

Nanghihinayang pala si Judy Ann Santos na dahil maaga siyang sumabak sa pag-aartista ay hindi niya natapos ang kanyang pag-aaral. Sinabi niyang hindi ito mangyayari sa kanyang mga anak. Magtatapos muna sila ng pag-aaral bago niya payagang mag-artista ang mga ito.

Sinabi ng reyna ng teleserye ng Dos na bagama’t nakakakita na siya ng mga senyales na sa pag-aartista rin hahantong ang panganay nilang si Yohan, pipilitin niyang mahimok muna itong mahilig sa pag-aaral bago ito payagang mag-artista

“Pero para rin ma-feel niya, puwede siguro sa mga commercials muna pero hanggang dun lang. Ipaparamdam namin sa kanya ni Ryan (Agoncillo), kung bakit dapat mag-aral muna siya,” paliwanag ng mother-to-be.

Idinagdag din ng aktres na kaya niyang magsakripisyo para sa ipinagbubuntis. “I will take it easy and continue with my work hanggang kaya pa, pero the moment na sabihin ng doctor na stop na ako, titigil ako,” sabi niya.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES