Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, March 12, 2010

Karylle ginaganahang magtrabaho dahil kay Sid Lucero

Good news sa lahat ng agasubaybay ng nangu­ngunang afternoon drama sa ABS-CBN na Magkano Ang Iyong Dangal!

Sa Biyernes, mapapanood na ang paglabas ng pinakabagong karakter na si Tania na gagampanan ng isa sa pinaka-in demand na actress-singer ngayon na si Karylle.

Sa unang taping day ni Karylle para sa Dangal noong Miyerkules, ikinwento niya ang nararam­damang excitement para sa bagong project : “Natutuwa ako that I’m part of the show. Medyo matagal din kasi akong nag-rest. Puro kanta-kanta ang inaatupag ko sa buhay. Masaya ako sa pagkanta pero deep down talagang nami-miss ko ‘yung pag-arte. Natutuwa rin ako especially dahil ang cute-cute ni Sid (Lucero), tawag siya nang tawag na sobra siyang excited at na-feel ko talagang welcome ako sa show. Kaya lalong nakakagana.”

Ayon kay Karylle, excited na siyang muling maging bahagi ng araw-araw na buhay ng mga manonood. “Noong nagpunta ako ng States, na-meet ko ‘yung mga TFC viewers and nakita ko kung gaano nila sinusuportahan ‘yung mga soap at minamahal ‘yung mga characters na napapanood nila araw-araw. Pinapa-tape pa nila!”

Nang tanungin naman ang singer-actress tungkol sa muli nilang pagsasama ni Sid Lucero sa telebisyon matapos ang Dahil May Isang Ikaw, masayang ibinahagi ni Karylle : “Very excited ako! Pagdating ko nga sa set, ang kulit-kulit niya. Kinuha niya ‘yung gitara at kinantahan ako kaagad. We’re very very close kasi matagal na kaming nagkatrabaho. Malakas ang suporta namin sa isa’t isa. Medyo nangangapa lang ako ulit ngayon syempre first taping after a long time.”

Sa pagpasok ni Karylle, talagang magiging mas kapanapanabik ang mga susunod na linggo ng Magkano Ang Iyong Dangal!

Ano kaya ang gagampanan ni Tania (Karylle) sa buhay nila Nilo (Sid), Troy (Rayver Cruz) at Carmela (Bangs Garcia)? Siya ba ang magbabalik ng pag-ibig ng mag-asawang Nilo at Carmela? O si Tania ang magiging dahilan sa tuluyang pagkawasak nito?

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES