Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, March 26, 2010

Misunderstanding sa Star Magic, inamin ni Andi

Ngayong gabi na ang pinakaaabangang paglabas ni Andi Eigenmann sa Agua Bendita, kaya kahapon, nagkaroon ng presscon ang young actress kasama ang leading men na sina Jason Abalos at Matteo Guidicelli sa poolside ng Imperial Palace Suites.

Super excited na si Andi na may dual role sa nasabing serye bilang Agua at Bendita na finally “lumaki” na ang kanyang young version played by Xyriel Anne Manabat at ngayon ay siya na ang mapapanood.

Matatandaang kailan lang ay nagkaroon pa ng issue tungkol dito dahil sa pagkaka-extend ni Xyriel sa serye, dahilan para ma-delay ang appearance ni Andi.

Originally, two weeks lang mapapanood ang batang Agua/Bendita, pero dahil nga sa mataas na ratings nito, hinabaan pa ang exposure ng child star na ikinagalit umano ni Jaclyn Jose, ina ni Andi.

Nang makausap namin ang young actress, nilinaw niyang hindi totoo na muntik na siyang tanggalin ng mommy niya sa nasabing serye pati na rin sa Star Magic tulad ng napabalita.

“Nagkaroon lang po ng misunderstanding pero hindi naman po ako na-pull-out. Nakipag-usap lang po ang mommy ko sa management dahil akala po ng mommy ko, wala silang confidence sa akin, na parang hindi ko pa kaya. Pero hindi naman po pala ganu’n. In-explain po sa mommy ko na kaya po na-delay is mainly because they want to make the viewers happy.

“Like kung du’n nga po sa ratings, kung gustong makita pa ng viewers si Xyriel ng mas mahaba-haba nang konti, binigay po nila. Pero sinigurado naman po sa akin ng management na kahit ano ang mangyari, kahit sabihin pa ng ibang viewers na huwag na akong ilabas, hindi po nila gagawin,” paliwanag ni Andi.

Nilinaw din niyang hindi nagalit ang mommy niya although nasaktan daw ito for her dahil inakala nito na baka tsugihin na siya.

“Pero ’yun nga po, na-explain naman po sa mommy ko na hindi nila ’yun gagawin at gusto lang talaga nilang i-please ’yung viewers. Hindi po ibig sabihin na tatanggalin na ako at sinabi naman po nila na kahit ano po ang mangyari, eh, talagang aalagaan naman nila ako,” she said.

Aminado rin si Andi na maging siya ay nalungkot nang mabalitaang hindi muna siya lalabas sa serye.

“Kasi, akala ko rin po, nasa akin ang mali. But eventually, I realized na hindi naman po pala sa wala silang tiwala sa akin kundi dahil lang po talaga sa mataas ang ratings nito with Xyriel.”

In the end ay na-realize din daw niya na nakabuti pa rin dahil nagkaroon pa siya ng mas mahabang oras para paghandaan ang kanyang role.

Dahil nga sa mataas ang ratings nito with Xyriel, aminado si Andi na may pressure nang kaunti ngayong siya na ang magdadala ng soap.

“Kasi nga po, sobrang galing ni Xyriel at parang nakakapit na po talaga sa kanya ang mga tao. Pero para po sa akin, hindi po puwedeng ’yun lang.

“It ends with a love story. It’s meant to be that way. So, sa tingin ko po, dapat tanggapin ng mga tao ’yon, and palagay ko naman po, the management has really prepared for this just as I did.

“So, mas gagalingan pa po namin, mas magaganda pa po ’yung mapapanood nila para po lalo nilang magustuhan at tutukan pa rin nila,” say pa ng mestisang young actress.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 1:18 PM, Anonymous Anonymous said...

kontra-bida na si Astrud sa KTM, Kontra-bida pa rin sa Agua Bendita, ang sarap sapakin!

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES