Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, March 02, 2010

Roxanne Guinoo, Pregnant - Videos

Umamin na si Roxanne Guinoo na pregnant nga siya ng 12 weeks (or three months) at ang ama ng kanyang magiging baby ay ang boyfriend niyang si Angelo.

Sa The Buzz isinagawa ni Roxanne ang pag-amin last Sunday at ayon sa young actress, mga January to February niya nakumpirma ang pregnancy.

Tinanong ni Kuya Boy kung ano ang reaksyon niya nang una niyang malaman na buntis siya, ani Roxanne ay naiyak siya pero never na pumasok sa utak niya na ipa-abort ang baby kaya nagtataka siya na may balitang nagpa-abort siya.

Kinumpirma rin ni Roxanne na magpapakasal sila ng boyfriend pero next year na dahil magsusukob daw si Angelo at ang sister nito sa taon. Nakatakda palang ikasal ang kapatid niya this year.

Kinuwento rin ni Roxanne ang proposal na ginawa ni Angelo na aniya ay dinala siya sa garden ng mga ito at sarado lahat ang ilaw. Pagbukas daw ng ilaw ay may cake saka nagsalitang “will you marry me?’

“Iyak lang ako nang iyak. Parang feeling ko, napaka-espesyal ko namang tao para sa ganitong sitwasyon.”

Pero kahit magkakaroon na siya ng pamilya, ani Roxanne ay hindi naman niya iiwan ang showbiz. Magpapatuloy pa rin daw siya sa pag-aartista at Star Magic talent pa rin siya.

Roxanne Guinoo The Buzz 1


Roxanne Guinoo The Buzz 2

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES