Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, March 07, 2010

Ruffa lumipat sa TV5 dahil kay Manny Pangilinan

THREE years non-exclusive contract ang pinirmahang kontrata ni Ruffa Gutierrez sa TV5 at may sisimulan na sa April 4 na talk show entitled Paparazzi with Cristy Fermin and DJ Mo Twister.

“Actually, I was supposed to guest sa Maalaala Mo Kaya. Last time ko nag-MMK was 8 years ago pa. Pero, hindi ko na nahintay ‘yun kasi minsan lang naman ‘yung offer ng TV5. It’s a very hard decision. Pero one of the main reasons why I left ABS-CBN because I believe sa capabilities of Manny Pangilinan,” paliwanag ni Ruffa sa solo presscon niya para opisyal na ipahayag ang pag-alis niya sa Dos.

Kung nagkataon daw na iba ang owner ng TV5, mag-iisip siya ng 100 times bago umalis sa Kapamilya.

“It’s nice to grow with a company that has so much hope and so much plans and vision, such as going HD, and a whole lot more. Ang sarap maging parte ng malalaking plano na ‘yun at nakatataba ng puso na isa ako sa mga unang artists na pumirma ng kontrata sa TV5,” say pa ni Ruffa. Go

Bago pa kumalat ang paglipat niya sa TV5 ay alam na raw ang desisyon niyang ito nina Boy Abunda at Kris Aquino.

Naunawaan naman daw siya nina Boy at Kristeta. And they even wished her good luck pa nga raw sa pag-alis niya. Ganu’n din daw ang sinabi sa kanya nina Cory Vidanes at Leo Edrinal, executive ng ABS CBN, nang magpaalam siya.
[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES