Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, March 05, 2010

Sarah Geronimo naghakot sa MYX

Umulan ng parangal, saya at sorpresa ang katatapos lamang na MYX Music Awards 2010 na ginanap sa Music Museum.

Big winner ng gabi ang Pop Star Princess na si Sarah Geronimo sa kanyang pagkapanalo ng apat na parangal kabilang ang Favorite Media Soundtrack (Record Breaker), Favorite Remake (You Chan­ged My Life), Favorite Female Artist at Favorite Artist.

Bukod sa paghakot ng awards ni Sarah, naging highlight din ng programa ang paggawad ng MYX Magna Award sa batikang singer-songwriter at isa sa mga Pinoy music icon na si Jose Mari Chan.

Ang parangal ay para sa hindi matatawarang kontribusyon ni Chan sa Philippine music industry. Isang tribute medley ng mga hit songs ni Jose Mari Chan ang inawit nina Jay-R, Richard Poon, Yeng Cons­­­tantino, Jayson Fer­nandez of Rivermaya, Rachelle Ann Go, Kean Cipriano of Callalily, at Christian Bautista.

Higit pang lumakas ang hiyawan ng mga fans at maging ng mga guest celebrities nang mag-perform si Rico Blanco. Bukod sa mahu­say na pag-awit ng kanyang patok na kantang Ayuz, sinorpresa ng dating frontman ng ban­dang Rivermaya ang buong Music Mu­seum sa ­kakaiba niyang paghataw sa pagsayaw na mala-Michael Jack­son, ang taas ng energy.

Naganap din sa MYX Music Awards ang isang pambihirang pag­ka­kataon kung saan naging bahagi ng iisang per­for­­mance ang mga singers mula sa mag­kakaibang TV networks.

Abangan ang MYX Music Awards sa MYX sa March 6 (Sabado) sa ganap na 7:30 p.m. na may encore telecast sa March 15 (Lunes), 1:30 p.m. at March 19 (Biyernes), 7 a.m.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 11:19 PM, Anonymous Anonymous said...

how could Sarah spend her time to her career if she spend more time campaigning the orange presidential candidate? is it because of the chunky green?

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES