Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, March 12, 2010

Yeng Constantino itinanggi ang pagiging tomboy

Nag-21 years old na si Yeng Constantino nung De­cember 4. Tinatanggap niyang isang napa­ka-gandang birthday gift ang pagkakapili sa kanya para mag-host ng pinaka-bagong night trip ng ABS CBN, ang Music Uplate Live, mapa­panood ng gabi-gabi, Lunes hanggang Biyernes, simula Marso 15.

Hindi basta pinili si Yeng para maging VJ ng nasa­bing programa. Hindi niya inalintana na kini­kilala siyang the country’s rock princess at grand dreamer ng Pinoy Dream Academy season 1. Pumila siya at nag-audition para sa nasabing show.

Wala silang pinagpilian nung araw ng kanyang audition. Pawang mga bagu­han ang nakasabay niya pero hindi siya nag-alala na baka hindi siya pu­masa at mapunta sa isang hindi kilala ang tra­baho. Wala ito sa kanyang isip. Basta ang layunin niya ay mag­karoon ng ibang trabaho at mapa­lawak ang kaalaman niya sa musika.

Siyam na taon pa lamang ay sumusulat na siya ng kanta, gusto niyang makasubok naman sa ibang field of music.

“Feel ko namang maging VJ. Bago ako su­mabak sa audition ay nag-workshop muna ako. Nagpa-prak­tis ako sa malaking mirror sa room ko at dun salita ako nang salita. Hindi ako nagpapaka-reli­gious but I think it’s God’s will na mapunta sa akin ang pagiging host ng Music Uplate Live.

“Insomniac ako, I can do something better with my time sa mga oras na nagpapahinga na ang ma­rami. At gusto ko rin namang mag-try ng ibang bagay,” paliwanag ng PDA grand dreamer who has gone more beautiful with her new cropped hair even if she’s 10 lbs. heavier now.

Hindi naman mag-iisa si Yeng sa kanyang pag­hu-host ng show, mayroon siyang maka­kasama. Bukod pa ito sa mga guest na darating araw-araw.

Maraming kaabang-abang na segments sa bagong programa.

Excited si Yeng na simulan ang nasabing programa.

Sinabi niyang hindi ito makakaapekto sa kan­yang boses dahil sanay na nga siyang ma­puyat dahil sa kanyang insomnia. “Pagpupuyat ito na may sense. Normally, at 3:00 a.m ay kuma­kain pa akong French fries at pritong galunggong. Kaya nga nung malaman ko na nakuha ako, talon ako nang talon.

“Pinaka-magandang point sa show ay magbibigay kami ng chance sa lahat ng aspiring artists,” sabi niya.

Nang may magtanong kung hindi ba makaka­apekto sa kanyang lovelife ang bago niyang trabaho dahil hindi na rin siya makakalabas ng gabi dahil maghahanda siya for her show, sinabi niyang : “Wala akong lovelife. Although pina­paya­gan na akong magka-boyfriend ng tatay ko. Dati kasi hindi pero nang mag-21 ako, na-feel ko na parang payag na siya, open na siya sa idea”.

Ang pagbabawal na ito ng kanyang ama ang dahilan kaung bakit short lived lang ang MU nila ng isang member ng Rivermaya?

“We were already going out, exclusive na kami lang pero na-feel ko na magiging unfair ako kung patutuluyin ko pa siya ng panliligaw. Nagbibigay na kasi siya ng mga stuff eh, hindi pa naman kami. I felt I was taking advantage of him. Kaya sinabi ko sa kanya na mag-focus na lang muna kami sa aming mga career. We’re still friends up to now and we still hung out pero may mga kasama na kaming grupo.

“Hindi rin ako dati pinayagan ng tatay ko na magpa­ligaw kay RJ Jimenez (kasamahan niya dati sa PDA). Pero ngayon, payag na siya hindi ko lang malaman kung ready naman ako. Gusto ko na yung susunod kong boyfriend ay yung pakakasalan ko na,” dagdag pa ng magandang babae na natsitsismis na tomboy pero mariin niya itong itinanggi.

“Hindi ako tomboy! Nasasabi lang ito dahil I hung out with men mostly at palagi akong naka-jeans. Ang music ko is more masculine than feminine pero, talaga hindi ako tomboy. Wala akong nararamdamang ganito sa sarili ko,” paliwanag niya.

Susunod na ba sa pagiging host ang pag-aartista?

“Naku hindi siguro! Ayaw ko itong i-try ever. Nalaman ko kasi na hindi pala acting yung ginagawa ng mga artista. Totoo pala yung inaarte nila. Eh hindi ko alam yun. Dito na lang ako sa aking passion na music. Alam ko ito at hindi na ako mangangapa pa,” sabi pa niya.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES