Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, April 30, 2010

Angelica, dedma na sa paglabas ng private photos nila ni Derek

One month na palang hindi nagkakasama ang mag-sweetheart na sina Angelica at Derek Ramsay.

Say ng young actress sa presscon ng Here Comes the Bride kahapon, nasa-sad na siya.

“Ang dami kasing trabaho, tinapos niya ’yung Habang May Buhay, tapos ako naman, may Rubi, so, padalaw-dalaw na lang sa taping,” say niya.

Kaya naman super looking forward siya sa bakasyon nila ni Derek sa June. Tutungo sila sa Africa at one month silang mawawala.

Two years ago pa raw nila ipina-block-off ang dates.

“Then, finally, last year, nagpaalam na kami (sa ABS-CBN) and pinayagan naman kami kasi ang tagal na nga ng advance.”

Nakaplano na nga raw ang activities nila sa Africa.

Anyway, matatandaang kamakailan lang ay na-involve sina Angel at Derek sa isang controversy kung saan ay lumabas ang private photos nila habang nasa Boracay.

Nag-issue na ng statement tungkol dito si Derek, pero kahapon, hindi pa rin naiwasang hindi ito maitanong kay Angel. Naapektuhan ba siya ng naturang issue?

“Hindi naman, gusto nilang ilabas ’yon, eh.”

Ano ang initial reaction niya nang lumabas ang larawan?

“Taray!”

Ayon kay Angel, ang pamilya niya ang talagang napikon sa pangyayari, pero kung siya ang tatanungin, alam niyang parte ng trabaho niya ang mga ganitong issue.

Bakit, hindi na siya magdedemanda?

“Bakit naman ako magdedemanda?” balik-tanong niya. “Hindi na, ’di pinasikat ko lang sila,” ang say niya.

Alam ba niyang 20 pictures pa ang hawak ng publikasyon at anytime, puwedeng ilabas ng mga ito?

“Oo nga, eh, ang dami. Gusto nila, bigyan ko na lang sila,” natatawa niyang sabi.

Alam ba nila kung sino ang naglabas sa media ng nasabing mga larawan?

“Ayaw naman naming mag-pinpoint, ayaw naming paliitin ang mundo namin, ayaw namin ng galit, so, kung may naglabas, konsensiya na nila ’yon.”

Pero aminado si Angel na natuwa siya sa boyfriend na talagang namang idinepensa agad siya nang lumabas ang larawan.

“Siyempre, nakaka-impress naman ’yon bilang nakita mo kung gaano siya ka-gentleman sa mga ganu’ng aspeto.”

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES