Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, April 10, 2010

Boy Abunda gumitna sa tapatang Greta-Claudine

LAST Thursday night, nagsalita na si Boy Abunda sa SNN: Showbiz News Ngayon hinggil sa talk of the town na pagtatapatan ng magkapatid na sina Gretchen at Claudine Barretto.

Si Kuya Boy ang manager ni Greta kaya kung meron mang higit na may karapatang magbigay-linaw sa issue, siya ’yon since siya ang nakikipag-usap para sa mga proyektong inaalok sa alaga.

Sinegundahan ni Kuya Boy ang naging pahayag ni Greta na wala talagang kinalaman ang mga artista kung kailan ipalalabas ang ginawang proyekto at kung ano’ng programa ang makakatapat.

“Kapag tumatawag po ang isang tao tungkol sa iyong artista,” simulang paliwanag ni Kuya Boy, “ang una naming tinatanong ay tungkol sa proyekto, ano ba ang storyline, ano ba ang material — synopsis, ’ika nga, ang hinihingi ko — tapos ’yung availability ng artista.

“Pero hindi namin tinatanong kung kailan ipapalabas. At mas lalo na po, hindi namin itinatanong kung anong katapat na palabas. So, I take full responsibility kasi hindi ito concern ng aking artista na si Gretchen Barretto. She has nothing to do with this.”

Ni-reveal din ng talent manager-TV host na at first, tinanggihan na ni Greta ang episode ng Maalaala Mo Kaya na ipalalabas ngayong Sabado even without knowing na makakatapat nga nito ang drama anthology, Claudine, ng younger sister sa kabilang istasyon.

Pero ani Kuya Boy, kinumbinsi niya ang aktres dahil alam niyang napakaganda ng materyal, kung saan ay gaganap itong isang dalagang na-in-love sa isang pari.

“Sinabi niyang ayaw na muna niya, pass na muna siya. But when I read the synopsis of the MMK episode, I called her, and this is rare, mga kaibigan, dahil hindi naman po talaga ako tumatawag, I don’t. Kapag sinabi niyang hindi, I respect the decision, ’di ba? Pero sabi ko, ‘Gretch, I don’t think you should let this pass. It’s too good for you to pass. Basahin mo ang istorya, I asked for the script, then you make your decision,’” saad ni Kuya Boy.

At ’yun na nga, nagustuhan din ni Greta ang story, kaya heto nga’t ipalalabas na this Saturday ang nasabing episode.

So, abangan na lang natin kung sino sa kanila ni Claudine ang magwawagi sa ratings ngayong gabi.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES