Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, April 22, 2010

Boy Abunda: Hindi threat sina Cristy at Ruffa

TUWING Linggo ay maganda ang labanan ng tatlong TV station -- Kapa-milya, Kapuso at Kapatid Networks -- sa kani-kanilang showbiz oriented talk show. Maging ang hosts ng bawat show -- The Buzz (Boy Abunda, KC Concepcion at Kris Aquino), Showbiz Central (Pia Guanio, John Lapus at Raymond Gutierrez) at Paparazzi (Cristy Fermin, Dolly Anne Carvajal at Ruffa Gutierrez) -- nagpapatalbugan sila hindi lang sa mga kasuotan kundi maging sa latest showbiz news.

Ang Paparazzi nina Na-nay Cristy ang bagong talk of the town dahil sa rami ng showbiz news.

Marami tuloy ang nagsasabi na “threaten” daw ang dalawang Sunday talk shows sa TV5.

Nakuhanan naman ng reaction si Kuya Boy hinggil dito dahil dating hosts ng The Buzz sina Cristy at Ruffa.

“Hindi sila threat,” kaswal na sagot ni Kuya Boy at naitanong din ang “alitan” nila ng kaibigang si Nay Cristy.

“Galing sa puso ko, I will not. Tatapatin ko kayo, I will not because it’s not the right time and kaibigan ko ‘yan nang matagal na panahon at that’s why I refuse to answer questions regarding her. Ayoko talagang makipag-away,” say pa niya.

“We’ve reached the point when, I think, everybody has a right to work. Bawat isa sa atin ay may karapatang magtrabaho and I think the 94 million Filipinos can accommodate three, four, or five shows. And the best thing, from a management point of view, lalo na nga-yon ang aking thesis, I’m finishing my Masteral degree, Masters na ako by May. You know when you talk about communications you also talk about choices, So, when you do more shows you offer more choices, ‘di ba?” pahayag pa ng TV host king.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES