Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, April 25, 2010

Epileptic attack ni Noynoy, itinanggi ni Kris

Mabilis na pinabulaanan ni Kris Aquino ang kumalat na text message kahapon na nagkaroon ng epileptic attack si Sen. Noynoy Aquino habang nangangampanya sa Isabela.

Heto ang reaction ni Kris sa kumalat na tsismis na sinagot niya sa Twitter.

“My sister Viel & Jodi got fake text about Noy having epileptic attack in Isabela rally-Noy is healthy-finished Batanes. Now going to Tuguegarao then Aparri. Remember to those spreading na sick si Noy or dying-super bilis ng KARMA!”

Nakatanggap din kami ng text message tungkol doon at heto ang nakasaad: “Just Now! Noynoy had an EPILEPTIC ATTACK at their Isabela rally!!! News came frm reliable source, frm d brother of d owner of d car Noynoy was riding. Pls. Pass!”

Habang nalalapit ang elections, padumi nang padumi ang batuhan ng isyu. Ano pa kaya ang maiisip na gimik o isyu sa susunod para makakuha ng boto ang mga kandidato at lahat ng presidentiables at vice-presidentiables ay biktima? Pathetic!

Samantala, may bago na naman palang endorsement si Kris Aquino at kahapon siya nag-shoot ng TVC nito. Tuloy din ang sortie ni Kris para ikampanya ang kapatid at sa Tuesday, nasa Bukidnon at Misamis Oriental siya.

Sa April 30, sa Dagupan to campaign for Gina de Venecia. Sa May 5, start ng All Star Caravan at kasama ni Kris sina Boy Abunda, Ai-Ai delas Alas, Marian Rivera, Dingdong Dantes, Derek Ramsay, Eric Santos, Dennis Trillo, Pooh, Mariel Rodriguez at Ogie Alcasid. Start sila sa Baguio at magtatapos sa May 8 sa NCR.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES