Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, April 18, 2010

Gov. Vilma Santos: Pinagtutulungan nila ako

NAGBIGAY ng reaksyon si Batangas Gov. Vilma Santos tungkol sa lumalabas na balitang diumano’y may plano siyang mag-quit sa gobernatorial race sa Batangas. Hindi rin niya nagustuhan na ikino-quote pa siya ng kanyang mga kalaban at pinalalabas na nagmamakaawa siya tuwing mangangampanya sa kanyang mga kababayan.

Obviously, isa itong black propaganda ng mga kalaban sa pulitika ni Ate Vi. Ayon sa kanya, she never said such lines. It was devilish for her opponents to put words into her mouth. Pinalalabas pa nilang mahina na raw si Ate Vi sa mga Batangueño dala ng kung anu-anong ibinibintang nila sa kanya.

“Sobra na ang paninira at black propaganda nila sa akin dito sa Batangas. Nagsama-sama na ang tatlong partido (Lakas, NP at NPC) para siguraduhing ako at si Ralph (Recto) ay apakan at matalo.

“Isang partidong ma-raming pera at nakahanda sa vote buying at isang partidong malakas ang kapangyarihan. Hindi lang serbisyo ko ang sini-siraan, pati pagkatao ko. At ngayon, ako raw ay aatras.

“Hindi totoo! Not true! I have served Batangas with pride dahil wala akong inapakan o inisahang tao,” bulalas ng actress-politician.Footloose

“Hindi ko kayang maghimala at sabihin kong kaya ko ang mga problema ng lahat ng 2.3 million population sa Batangas. I’m proud to say na ginagawa ko ang lahat para mabigyan ng magandang serbisyo ang aking mga kababayan.

“Walang bayan sa Batangas ang makakapagsabing hindi ko sila pinuntahan at personal na inalam ang mga pangangailangan nila. Sobra na ang pulitika sa Batangas,” dagdag pa niya.

“I must be doing a very good job kaya pinagtutulungan nila ako para matalo. Merong tawagin akong burlesk queen, chronic absentee. Lahat na lang ay ibinato nila sa akin... Kilala n’yo naman ako. I have been with our industry for 40 years at ito ang ibinubuhay ko sa pamilya ko at wala akong record na umatras sa laban.

“I always count my blessings. At dahil lamang sa pulitika, pera at kapangyarihan, sisirain nila ang pagkatao ko,” paliwanag pa ni Gov. Vi.

“Hindi kapangyarihan ang gusto ko dahil kung ’yon lang, tinanggap ko na sana ang alok na tumakbong bise presidente ng bansa. Pero Batangas pa rin ang pinili ko kasi ito ang passion ng puso ko at alam ko ang ginagawa ko,” diin pa niya.

“Hindi ko sila aatrasan sa gitna ng pananakot at black propaganda nila. What they’re doing is a desperate move dahil despite sa pagtutulungan nila, mahal pa rin ako ng mga Batangueño. Hangga’t maaari ay ayokong maging negative at puro kasiraan ang kampanya ko dahil pagod na ang mga tao sa paninira ng mga kandidato pero sobra na ang paggamit nila ng pera at kapangyarihan. Pati sugal sa Batangas, sa akin nila tinitira.

“Look who’s talking? Pero isa lang ang kaya kong ipangako -- hindi ko isusugal at itataya ang dangal at karangalan ng mga Batangueño.”

Malinaw ang punto ni Gov. Vi. Tuloy ang laban!

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES