Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, April 09, 2010

Gretchen Barretto nag-walk-out sa sariling presscon

KUNG nag-walk out si Kris Aquino sa taping niya ng Kung Tayo’y Magkakalayo dahil sa isyu sa anak na si Baby James, aba, hindi nagpahuli si Gretchen Barretto.

Sa presscon ni Greta bilang bagong endorser ng Glutamax nu’ng isang gabi ay bigla ring nag-walk out ang singer-actress dahil narindi na yata sa dami ng mga tanong tungkol sa pagkakatapat ng Maalaala Mo Kaya episode niya at ang pilot episode ng drama-series ng younger sister na si Claudine sa GMA-7.

“Ayoko na,” ito raw ang nasambit ni Gretchen sabay tayo sa upuan at umalis sa venue. Nu’ng una, okey lang daw kay Greta ang mga tanong at masaya pa itong humarap sa press people.

Nasabi pa ng bagong Kapamilya artist na wala si-yang alam sa pagkakatapat ng MMK kung saan siya ang lead actress sa drama-anthology ng kapatid sa kabilang network.

Pero hindi na naalis ang mga tanong tungkol sa kanya at kay Claudine, kaya nasabi tuloy ni Greta na: “Magkapatid kami. Hindi kami dapat pag-awa-yin.”

Hindi ito na unang pagwo-walk out si Gretchen sa harap ng entertainment press. Ginawa na rin niya ito sa Entertainment Live kung saan naging topic ang magkaroon sila ng hidwaan ni Nadia Montenegro two years ago.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES