Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, April 25, 2010

Juday at Ryan, magbabakasyon sa Amerika

Ayon kay Judy Ann Santos, matutuloy pa rin naman daw ang kanilang summer vacation ni Ryan Agoncillo pero hindi na ito Europe kungdi sa Amerika na at isasama na nila ang anak nilang si Yohan.

“Siguro mga two weeks na vacation lang muna, Amerika lang with Johan, makapahinga ng konti kasi mula nu’ng nag-wedding naman kami, honeymoon lang, nag-Boracay lang kami tapos bumalik na rin kami kaagad sa trabaho.

“Basically, ito na talaga ’yung magiging pahinga namin mula nung nagpakasal kami dahil dire-diretso na kami nagtrabaho, dire-diretso na lahat ng mga ginawa namin. Tapos, pagbalik, tatapusin ko lang ’yung movie sa Unitel and then promo for Viva movie and then pahinga na ’ko,” pahayag ni Juday.

Matatandaang katatapos lang nilang mag-last taping day for Habang May Buhay at ngayong Sunday ay pilot episode naman ng Your Song Presents Gimik 2010 kung saan ay kasama siya sa cast since as we all know ay isa naman siya talaga sa original cast 10 years ago.

Bale sa bagong Gimik, silang lima nina Mylene Dizon, Bojo Molina, Giselle Toengi at Diether Ocampo ang nakasama pa rin among the original cast. Wala na sina Rico Yan, Jolina Magdangal at Marvin Agustin.

Ayon kay Juday, nakaka-hinayang din daw na hindi na sila solid pero nakaka-takot naman daw kung mabubuo pa sila dahil ibig sabihin ay nandiyan si Rico Yan na as we all know ay matagal nang sumakabi-lang buhay.

Si Rico bilang Ricky ang parner ni Juday at ayon sa aktres, sa bagong kuwento ay nag-divorce na sila.

“Si Gary (Diet) and si Gina (G. Toengi), sila ’yung married, Melanie (Mylene) and Brian (Bojo) are married, Sc (Jolina) and Joey (Marvin) parang hindi ko na maalala, parang kasal din ata pero parang may problema. Ang tina-tackle ngayon nung original cast ng Gimik is ’yung marital problems na, ’yung tala-gang marami pa ring makaka-relate,” kuwento ni Juday.

Sa mga kasama naman nilang younger generation, ani Juday ay naniniwala siyang may mga talent naman daw ang mga ito.

“Sa totoo lang, bigyan lang sila ng mas konti pang panahon at atensyon pagdating sa pag-arte, malayo naman ang mararating nila siguro mula Cubao hanggang Laguna (laughs), sa totoo, mabigyan lang sila ng tamang tsansa na mapag-aralan ng mabuti ang craft nila, mga bata pa kasi so siyempre may mga times na naglalaro, pero ’pag nagte-take naman nakikinig naman, nauuna lang ’yung nerbiyos.

“Siguro dahil nandu’n sina Mylene, nandu’n kami, mga artistang matatabil, so siyempre medyo siguro natatakot ’yung mga bata. Siguro more confidence lang, pero I’m sure na may mararating ‘tong mga batang to bigyan lang ng sapat na atensyon,” say pa ng Young Superstar.

Ang mga bagong batch na bumubuo ng Gimik 2010 ay sina Jessy Mendiola, Lance Christopher, Franco Daza, Kazuo Nawa, Jaco Benin, Kenji Shirakawa, Janeena Chan, Hanna Flores, Daniel Padilla, Albie Casino, Mara Montes, and Marlan Flores.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES