Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, April 08, 2010

Kampihan nina Judy Ann, Claudine obvious na

NGAYON ay talagang obvious na magkakampi sina Claudine Barretto at Judy Ann Santos.

Nu’ng si Claudine ay tinawag na Drama Queen ng GMA-7, mabilis ni-yang sinabi na hindi lang siya ang reyna kungdi gayundin si Judy Ann Santos. Nu’ng mag-launching naman ng kanyang teleserye si Claudine, nagpadala pa ng mensahe si Juday sa pamamagitan ng VTR.

Talaga namang dapat silang magtulungan sa nga-yon, dahil kung hindi baka matabunan sila ng baguhang stars.

Actually ang kalaban nila ngayon ay hindi na ang isa’t isa kungdi ang bagong stars na nakakapagpa-rate na rin ng drama series sa mas mababa pang talent fee, kaysa sa kanilang dalawa, huh!

Noon siguro ay sila lang talaga ang magkalaban among our local talents natin. Isipin ninyo, ang katapat lang nila noon ay Korea-novela at Mexican soaps and that time pareho pa silang nasa ABS-CBN.

Doon sila nagpapataasan ng ratings dahil hindi naman makaabante ang GMA-7 noon na ang stars ay sina Angelika dela Cruz at Sunshine Dizon lang.

Nang medyo lumamig sina Juday at Claudine at saka naman biglang pasok ni Angel Locsin na natangay ng popularidad nila ni Richard Gutierrez at nakalaban na ang Kapuso Network sa Dos.

Ngayon na mas naging marami na ang stars ng ABS-CBN at GMA-7, na kahit masasabing starlets pa lang ay may kakayahang magdala ng isang serye o soap, sino pa ang magbabayad ng mataas na TF?

Kaya naman natural lang na dapat magkampihan sila.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES