Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, April 18, 2010

KC Concepcion hindi na inspirasyon si Piolo

PINAHANGA kami nang husto ni KC Concepcion nu’ng kantahin niya ang kanyang songs sa bagong album under Sony Music titled KC.

Very commercial ang kanyang carrier single na Not Like the Movies na sinulat pa ng isang banyaga. May sa-riling compositions din si KC sa album niyang ito. Pe-ro sino kaya ang naging inspirasyon niya sa pagsulat ng magagandang kantang ito?

Si Piolo Pascual ba?

“Bakit si Piolo? Wala naman akong specific na tao na inspirasyon. Basta humugot lang ako sa mga pinagdadaanan ng isang babae in general. Karamihan ay kinuha ko sa own experiences ko at sa experiences ng close friends ko.

“Kung in love ako nga-yon? I really cannot say na ganu’n nga. Basta I’m happy now. I’m meeting people here and there. Hindi ko masasabing I’m dating but I go out with male friends. Maganda ‘yung maraming mapagpipilian.

“Piolo and I are very good friends. We are closer than ever and that’s a very good thing. Nagte-textan kami kahit hindi kami nagkikita,” mahabang kuwento ni KC.

Iniintriga si KC ngayon bilang kapalit ni Ruffa Gu-tierrez na host sa The Buzz.

Hindi raw siya bagay mag-host ng isang showbiz talk show kasi nga masyadong good girl ang image niya.concepcionkc

“Naku, I miss Ruffa very much. Masyado rin kaming naging close because of Richard (Gutierrez) dati. She’s really like a big sister to me.

“I’m not here naman to compete with Ruffa. Hindi ko siya puwedeng talbugan kasi magkaiba kami ng style sa hosting. Hindi ako puwedeng maging intrigera because it’s not me.

Tama na sina Tito Boy at Ate Kris sa pag-grill ng guests namin. Basta I’ll do straight interviews,” aniya pa.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES