Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, April 15, 2010

Kim Chiu Updates

SA birthday preskon ni Kim Chiu, tinanong siya ng yours truly kung true ang tsikang live-in partners na sila ni Gerald Anderson.

“OA, hahaha!” ang natatawa nitong pagtanggi in a very cute tone. “Hindi po kami live-in.”

Tanong uli: Are you in favor of pre-marital sex?

Sagot ni Kim, “Hindi. Kung 20 ka pa lang, huwag muna. Masyado pang maaga. Saka, baka isang malaking bagay ’yon na pagsisisihan mo ’pag nangyari.”

Hmmm... may point siya, ha! ’Ika nga, nasa huli ang pagsisisi at sa ganda ng takbo ng kanyang showbiz career, eh, dapat, strike while the iron is hot!

O, sige Kim, may lalim na ang acting mo ngayon lalo na sa Kung Tayo’y Magkakalayo.

Ang sabi, para lumalim ang acting, lalo na ng isang aktres, dapat, matsuktsak tienes muna, naniniwala ba si Kim sa ganu’ng kasabihan?

“Hahaha, grabe! Hindi naman ako magbo-bold star kaya hindi ko kailangan ang sexual experience.

“Sa akin, okay na ’yung mga pinagdaanan ko sa buhay. Okay na ’yung lalim na ’yon. Okay na ’yung pinaghuhugutan ko sa ngayon. Hindi naman kailangan ’yang sex-sex na ’yan, hahaha!”

Oo nga naman. Matalino siyang sumagot, in fairness, ha!

Ay, teka, Kim... kinukonsider mo ba si Sarah Geronimo as your closest rival sa Kapamilya Network?

“Naku, hindi po... hindi po ako singer... hindi po ako bumibirit, hahaha! Pero nag-a-album ako, hahaha!” ang nakatutuwa niyang sagot.

Ang cute talagang sumagot nitong si Kim. O, siya, happy birthday, Kim, on April 19.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES