Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, April 08, 2010

Kris Aquino nag-walk-out!

ISANG mapagkakatiwalaang source ang tumawag sa amin kahapon para sabihin na biglang nag-walk-out si Kris Aquino sa taping ng primetime soap na Kung Tayo’y Magkakalayo ng ABS-CBN.

Ayon sa source, bandang alas-nuwebe ng umaga ang call time ni Kris. Dumating naman daw ito, pero makalipas ang isa’t kalahating oras, bigla na lang lumayas nang walang paalam sa director at staff.

Ang balita, may kinalaman ang pagwo-walk-out ni Kris sa dami ng pumatol sa pagkakamali ni Baby James sa isang rally ng presidentiable niyang kapatid na si Sen. Noynoy Aquino.

Nangyari ang insidente sa isang campaign sortie sa Bacolod kung saan binanggit ni Baby James sa mic ang pangalan ng karibal ni Noynoy na si Sen. Manny Villar.

Actually, ang ikinatampo raw ni Kris ay ang pangyayaring pati ang ABS-CBN news, pinatulan ang balita.

Feeling siguro ng aktres-TV host, hindi siya nabigyan ng proteksyon ng sarili niyang home network.

Anyway, as of presstime, kagulo raw ang production team ng KTM dahil hindi malaman kung paano reremedyuhan ang sitwasyon.

As it is daw kasi, nakasentro na ngayon sa characters nina Kris, Kim Chiu, Albert Martinez at Gabby Concepcion ang istorya ng soap.

Kaya, malaking sakit ng ulo ang nangyaring pag-alis ni Kris sa set at pagkaantala ng taping.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES