Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, April 06, 2010

Maria Venus Raj on The Buzz

SA The Buzz last Sunday ay guest ang na-dethrone na Bb. Pilipinas Universe 2010 na si Maria Venus Raj.

Tinanggalan daw ng korona si Venus dahil “inconsistencies” na nakita ng Binibining Pilipinas Charities sa kanyang birth certificate.

Masama ang loob na nagpaliwanag ang dethroned beauty queen, aniya: “Sob-rang sakit lang po sa akin ang sinasabi nila na I am disqualified kasi I am born out of wedlock at hindi ako qualified for Miss Universe pageant dahil hindi ako ipi-nanganak sa Pilipinas at kung may inconsistencies man po, sa tingin ko, hindi ko kasalanan ‘yun.”

Kuwento pa ng beauty queen, nakipag-usap na siya sa isang abogado dahil ilalaban daw niya ang kanyang korona na pinaghirapan ni-yang makuha at deserving na siya dito.

Inamin naman ni Venus na anak nga siya sa labas, ipinanganak sa Qatar at lumaki sa Pilipinas pero hindi raw niya ito itinago sa screening pa lang ng beauty pageant. Ayon pa sa dalaga, wala siyang alam sa sinasabing hindi puwedeng sumali sa beauty contest ang isang contestant na anak sa labas.

Inamin din ni Venus na aware siya na may inconsistency sa kanyang birth certificate tulad ng sa Camarines Sur siya ipinanganak pero sinabi niyang sa Qatar siya isinilang. Hindi na niya inayos pa ito dahil sa simula pa lang ng competition ay alam na raw ito ng mga taga-Binibining Pi-lipinas Charities.

Ipinagtapat na rin ni Venus na ang tiyahin ang nagpa-register ng kanyang birth certificate dito sa Pi-lipinas after siyang ipa-nganak sa Qatar three years ago.

Gusto ring malinawan ni Venus ang dahilan kung bakit siya tinanggalan ng korona.

“Sana linawin nila ang dahilan ng pag-dethrone sa akin kasi hindi po malinaw. Alam ko po nakapasa ako kung anuman ang qualifications na mayroon sila at siguro from the very beginning sana sinabi nila para hindi na po ako umasa. Hindi ako nagtago sa kanila, hindi ako nagsinu-ngaling sa kanila from the very beginning may videos na makapagpapatunay nito noon pa lang. I know I deserve the crown at wala po akong nakikita para i-disqualify nila ako for that,” malungkot na pahayag ni Venus.

Hindi lang naman nga-yon nangyari ang ganitong isyu sa Bb. Pilipinas na after manalo ay tatanggalan ng korona.

Ang ipinagtataka lang namin, bakit laging may ga-nitong isyu sa Bb. Pilipinas? Hindi ba’t mahaba naman ang proseso nila para makilatis ang buong katauhan ng isang contestant?

Komento nga ng isang nakausap namin: “Lagi naman silang ganyan. May favoritism yata sila na kapag hindi nanalo ay gagawan ng paraan para maipasok ang kanilang manok.”

[via]

Labels: ,

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 2:27 PM, Anonymous Anonymous said...

Si Stella Marquez de Araneta dapat ang paalisin sa BPCI dahil hindi naman ito Filipino. Bumalik na sya sa bansa nya sa Colombia. Atleast si Ms. Raj ang nanay nya Filipino.

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES