Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, April 19, 2010

Melissa, Erich insecure kay Empress Shuck

NGAYON pa lang ay inaabangan na ang pagsikat ni Empress Shuck.

Siya ang nabalitang ginu-groom ng Kapamilya bilang susunod na prinsesa ng drama from among their home-grown talents. Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na raw ng Dos ang isang bonggang serye para sa batang aktres na, in fairness, maga-ling naman talaga.

Ipapakilala na si Empress soon sa Rosalka. Wala pang ibang detalye na ibinigay tungkol sa nasabing serye, pero siguradong si Empress na ang bida sa proyektong ito. Siyempre, mahirap nang ma-pirate pa ito ng iba, noh!

Dapat nga bang ma-insecure na sina Melissa Ricks, Erich Gonzales at iba pang mga kasabayan ni Empress? Well, sino kaya ang mas mabibigyan ng maraming proyekto habang tumatakbo ang panahon?

Isa si Empress sa ilang bagets na may angking ga-ling sa pag-arte.

Naroon ‘yung natural na talent at hindi tipong sakit sa ulo ng direktor. Nang huli nga naming nakausap ang aktres, tinanong namin siya kung may balak siyang sumali sa isang beauty pageant.

Bukod kasi sa maganda, matangkad pa siya. Physical na katangian ng mga sumasali sa mga beauty pageant. Aniya, pag-arte raw talaga ang hilig niya.

Siyempre, may admirers din si Empress.

Biniro nga namin siya kung nililigawan siya ni Dino Imperial.

Magkaibigan lang daw sila. Ganoon?

Ilang beses na naming napapanood ang bagets na ito sa MMK at talagang hanga kami sa intensity ng akting niya, may lalim at her age.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES