Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, April 27, 2010

Orlando Sol sa "Halik Sa Tubig"

HINDI na mapipigilan ang pagsulong ng movie career ng isa sa mga ipinagmama-laking miyembro ng hottest male singing and dancing group na Masculados Dos na si Orlando Sol.

Sa Mayo 5 ng kasalukuyang taon ay ipapalabas na ang pelikulang Halik Sa Tubig sa Robinson's Galleria at huwag tawaran si Orlando, ang pangunahing bida sa nabanggit na proyekto.

Isa itong indie-film na dinerehe ni Direk Bong Ramos at kasama ng singer/dancer ang mga sikat na ring personalidad na sina Paolo Paraiso, MarcoMorales, Al-tea Vega,ang tinataguriang young Tetchie Agbayani, Kiro Baldemor at ang ma-husay na aktor na si Julio Diaz.

Tiyak na kikiligin ang mga fans na makakapanood kay Orlando sa Halik Sa Tubig.

Isang Batilyo ang role niya sa pelikulang ito na ayon kay Direk Maryo J. de los Reyes, mentor ni Orlando, ay isang aktor ang kanyang alaga sa tunay na kahulugan ng salitang aktor.

Sa mga ‘di pa nakakaalam ang Batilyo ay ang mga taong taga-bantay ng fishpond, at ayon kay Orlando ay first time niyang magpakita ng puwet sa screen.

First time din niyang mararanasan na makipaghalikan nang husto sa kapwa lalaki at may eksena na three-some silang mga lalaki na nagse-sex.

Kung bakit naganap ang actual sex scene sa tatlong mga macho, panoorin na lang natin ang Halik Sa Tubig.

Natanong namin si Orlando kung ano ang naging feeling niya nang sandaling ginagawa nila ang napakabi-gat at napakainit na ekse-nang yon lalung-lalo na ‘yong mainit na kissing scene na labi-labi sa kapwa niya lalaki. Sey ng barakong si Or-lando:"Di naman po ako na-arouse kahit na mga hu-bo’t hubad kami nina Paolo at Kiro. Wala po akong naramdaman, ang nasa isip ko po kasi ay kailangan sa eksena at kelangang ma-take 1 lang ‘yon para matapos na agad at hindi na pa-balik-balik ang take. After po na nagawa ko yong eksenang ‘yon natulala po ako sa isang sulok. Hindi ako makapaniwala na nagawa ko ‘yong ganu’ng klaseng scene...Tapos po pinagtawanan nila ako kasi na-binyagan na raw ako."

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES