Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, April 28, 2010

Pili­pi­nas Got Talent Semi-finalists

Pinangalanan na ng sikat at top-rating talent-reality show sa bansa na Pili­pi­nas Got Talent ang 36 na mapapalad na contestants na maglalaban-laban sa inaabangang semi-finals round simula sa Sabado (May 1).

Mahigit 220 acts ang mainit na pinagdebatehan at pinagdiskusyunan ng mga huradong sina Kris Aquino, Ai Ai Delas Alas at Freddie M. Garcia a.k.a. FMG para ipasok sa susunod na round at sa bandang huli,17 contes­tants mula Luzon, siyam mula Visayas, at sampu mula Mindanao ang kumum­pleto sa top 36.

Mula Luzon, pasok ang Baguio Metamorphosis, sina Alex Carpena, Powerpuffcorn, Kapidamu Band, Allan De Paz, Markki Stroem, Garrett Bolden Jr., Joel “Big Mouth” Amper, Ingrid Payaket, Ma. Jeline Oliva, Velasco Brothers, Reinel Tulabing, ang Imusicapella Chamber Choir, sina Geraldine “Fame” Flores, Keith Clark Delleva, Ruther Urquia, at Jovit Baldivino.

Pambato naman ng Visayas ang grupong Goldies n’ Goodies, Jzan Tero, Mae Lozada at Anselmo Estillore, Josephine Aton, Carlmalone Montecido, Manolito Saldivar, Luntayao Family singers, Jhistine Baguio at Filemon Baguio, at ang Snap Boiz.

Pagdating naman sa Mindanao, handang-handa na muling magpakitang gilas sina Harold Gesulga, Grupong Hello World, Reggie Ramirez, Florante Castino Inutan, Experience Kidz, Sherwin Baguion, Ezra Band, Rolando Ng III, Xavier University Cultural Dance Troupe, at si Rolando Permangil.

Simula ngayong Sabado ay live na matutunghayan ang Pilipinas Got Talent semi-finals sa AFP Theater, Camp Gen. Emilio Aguinaldo, Quezon City.

Bawat linggo ay anim na contestants ang maglalaban-laban at dalawa sa bawat linggo ang pipiliin para maka­pa­sok sa final round base.

Ang contestant na may pinakamataas na boto ay siguradong pasok sa finals.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES