Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, April 29, 2010

TFC nasa Rogers Cable na sa Canada!

Sa ika-16 na taon ng The Filipino Channel (TFC), sinimulan ang pagpapalabas ng Ka­pa­mil­ya shows sa Rogers Cable, ang nangu­ngu­nang ca­ble service provider sa Canada. Dahil sa hak­bang na ito, mas magiging madali para sa mga Pili­pinong taga-Canada ang mag­karoon ng TFC.

Unang nagkaroon ng TFC signal ang mga sub­scri­bers ng Rogers Cable noong ika-26 ng Abril. Ito’y matapos pirmahan ang memorandum of ag­ree­ment sa pagitan ng ABS-CBN Canada ULC at Rogers Communications, Inc. Hudyat ito ng mas malawak na cable footprint para sa TFC na ngayo’y sakop na rin ang Silangang bahagi ng Ca­nada, ka­sa­ma na ang Ontario, New Bruns­wick at Quebec.

Wika ng ABS-CBN Canada Country Manager Mar­co Amoranto : “Makakatulong sa magka­bi­lang pa­nig ang kasunduang ito. Dahil sa TFC, mas lala­wak ang multicultural offerings ng Rogers. At dahil sa Rogers, mas maraming Fil-Canadians ang ma­ka­ka­balita’t makakapanood ng deka­libreng mga programang hatid ng TFC.”

Ang TFC ay ipinalalabas sa Channel 871 ng Ro­gers Cable bilang isang free preview service hang­gang ika-25 ng Mayo, 2010. Para sa karagdagang im­pormasyon, maaring tumawag sa 1800-870-9960 o magtungo sa www.rogers.com/multicultural

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES