Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, May 15, 2010

Aga Muhlach pinakaguwapong lolo — Lea Salonga

Sa ayaw o sa gusto ni Aga Muhlach ay magiging lolo na siya anytime soon.

Sa kanyang Facebook account ay halatang-halatang excited na excited si Igi Boy sa pagsulpot ng kanyang baby boy na papangalanan niyang “Alejandro.”

May updates pa nga sa kanyang status si Igi na 2 cms na ang contraction ng kanyang dyowa.

Maging ang kanyang mga kapatid kay John Estrada ay can’t wait to see their first pamangkin ever.

Hahaha! Pati si Lea Salonga, excited na rin, dahil kahit ang kanyang status ay may kinalaman sa panganganak ng misis ni Igi: “Si Aga Muhlach ang pinakaGUWAPOng LOLO sa buong mundo... at si Flor de Luna ang pinakaMAGALING magluto! Suwerteng apo naman o!” na sinagot naman ni Igi ng, “Paano naman ang pinakaguwapong tatay?”

Kung puwede lang hatakin na mula sa tiyan ng inang si Patricia Monique Petil-Muhlach si Alejandro ay ginawa na ni Igi.

Sabi nga, saka mo lang mare-realize ang tunay na halaga ng isang magulang sa anak kapag naging magulang ka na rin, kaya sana, ang pagsulpot ni Alejandro sa buhay ng mga Petil, Muhlach at de Belen ang magsilbing inspirasyon ni Igi para lalo niyang ma-appreciate kung gaano siya kamahal ng kanyang “apat na magulang.”

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES