Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, May 02, 2010

Angelica, Derek sa Africa magpapakasal?

PUPUNTA sa Africa sina Angelica Panganiban at Derek Ramsay at almost one month sila doon.

Tanong tuloy kay Angelica sa presscon ng Here Comes the Bribe, under Star Cinema, kung doon na rin sila magpapakasal ni Derek.

Una ay ayaw sagutin ni Angelica ang tanong dahil baka raw ma-preempt. Dahil na rin sa kapipilit ay wala itong nagawa kundi sabihin ang katotohanan na mas gusto niyang ikasal sa bansa natin kaysa sa Africa.

“Mas gusto ko siyempreng ikasal sa Pilipinas para makasama ang mga magulang at kapatid ko. Ayo-kong makasama ang mga hayop sa aking kasal,” natatawang pahayag ni Angelica.

Sa HCTB ay muling pinatunayan ni Angelica ang husay sa pag-arte. Nagpalit kasi sila ng katauhan ni John Lapuz (body switching).

Si Sweet naging siya kaya kailangan niyang umarte at kumilos na bakla.

May eksena sa movie napagnanasaan niya si Tom Rodriquez, ex-PBB housemate, na binigyan ng break sa movie.

Maging si Sweet ay nagulat sa ipinakitang kabaklaan ni Angelica. Tinalo pa raw siya nito sa pagkilos ng pagiging bading.

Napakasuwerte naman ni Tom dahil talagang ni-lingkis at pinaghahalikan siya ni Angelica .Nandoon pinatungan pa siya nito habang niroromansa sa kama.

Kaaliw ang movie dahil trailer pa lang ay hahalakhak ka na sa mga eksenang pinaggagawa ng cast na sina Eugene Domingo, Tuesday Vargas, Jaime Fabregas. Tom Rodriquez at iba pa, na idinirek ni Chris Martinez at joint project ng Star Cinema, Quantum Films and Octo Arts.

[via]

Labels: ,

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES