Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, May 16, 2010

Anne Curtis na-tense kay Richard

Sabay nang pagpapakilala kay Anne Curtis na isa sa mga celebrity endorsers ng ladies apparel & shoes ng Natasha ang release ng Natasha DVD Catalog. Para lang kayong nanood ng movie habang pinapanood ang DVD Catalog at hassle-free sa shopping ang hatid nito. Kahit nasa bahay, makakapag-shopping pa rin sa tulong ng DVD Catalog na for sale for P30.

Mapapanood sa DVD Catalog bukod kay Anne ang ibang endorsers ng Natasha gaya nina Mickey Feriols for Maxi-Plus women, Brent Javier for men’s underwear. Hindi pa raw nakakapag-shoot si John Lloyd Cruz na endorser ng men’s apparel.

Magtu-two years nang endorser ng Natasha’s ladies apparel & shoes si Anne na dumalo sa presscon suot ang Kirsten dress na mabi-bili for P 520 lang, pero mukhang libo ang halaga.

Ibinalita pala ni Anne na next week na ang alis niya for Los Angeles para sa shooting nila nina Richard Gutierrez at Claudine Barretto ng In Your Eyes. Una nang nakunan ang love scene nila ni Richard.

“Nakaka-tense ang shoot ng love scene namin ni Chard, but Direk Mac (Alejandre) was able to prepare us how to do it. Mapi-feel ang love and pain sa scene na ’yun. Working with Chard after so long was masaya at walang masyadong ilangan and working with ate Clau, on my toes ako, but she’s very nice, hinihintay niya kami to prepare, ’di kami nginangarag.”

Sa tanong kung posible pa silang magkabalikan ni Richard, sabi ni Anne, imposible na. Kung three years ago siyang tinanong, “malabo” ang sagot niya dahil ’di niya ito kayang harapin. Hindi rin puwedeng ngayon at kung dahil taken na ang aktor, “siya ang tanungin ninyo” ang sagot nito.

Sa kanyang pagbalik, sisimulan ni Anne ang taping ng next soap niya sa ABS-CBN na bawal pang sabihin ang title, pero ang alam namin Green Rose ang title at Pinoy adaptation ng isang Korean novela. Kasama niya rito sina Jericho Rosales, Jake Cuenca at Alessandra de Rossi.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES