Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, May 21, 2010

Balikang Angel Locsin, Luis Manzano may linaw na

Pinupuri ni Cristy Fermin ang star for all season dahil sa muli nitong pagkakapanalo bilang gobernadora ng Batangas.

Sa ipinakitang interview ni Cristy kay Vi ay naita-nong ang tungkol sa lovelife ng kanyang eldest son na si Luiz Manzano at Angel Locsin.

Ayon kay Vi, kung tung-kol sa lovelife ng anak ang pag-uusapan ay wala siyang alam. Hindi naman daw kasi siya nagtatanong kay Lucky tungkol sa mga personal na ginagawa nito. Kinukumusta na lang daw niya ito na sasagutin naman daw ni Luis ng “I’m okay.”

Pero, marami ang nagulat nang i-reveal ni Alfie na si Ate Vi daw ang dahilan kung bakit nagkahiwalay sina Luis at Angel.

Ayon sa batikang manu-nulat, nainsulto si Vi nang sa-bihin ni Angel na si Nora Aunor ang greatest actress of all time. Sinabi ito ni Angel nang basahin niya ang linya sa role ni Ate Guy sa Himala sa launching ng libro ni Ricky Lee. Simula raw noon ay kinainitan na ni Vi ang relasyon ng kanyang anak sa magandang aktres at pinagsabihan daw si Luis na i-break na si Angel.

In fairness naman kay Vi, hindi niya magagawa ang ganoong bagay na manduhan ang anak. Matatanda na sila sa mga bagay tulad ng pag-aaway-away ng Vilma at Nora fans.

Very vocal ang star for all seasons na boto siya kay Angel para kay Luis. Katu-nayan, sa mga special occasion noong maganda pa ang relasyon ng young couples ay laging kasama ng pamilya si Angel.

Ang napabalitang talagang dahilan ng paghihiwalay nina Luis at Angel ay ang pa-giging malapit ng actor sa mga babae, na hindi naman ina-amin ni Luis.

Sa ngayon ay muling na-ging malapit sa isa’t isa ang young couple.

Aminado pa nga si Luis na gusto niyang balikan si Angel dahil nasa magandang dalaga raw ang lahat ng hinahanap niya sa isang babae.

Aminado naman si Angel na muling nagkakalapit ang loob nila ni Luis, pero hindi pa rin daw sila dumarating sa level na nagkabalikan na.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES