Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, May 03, 2010

Bea Alonzo inspirasyon ni Enchong

It was Erich Gonzales who paved the way para makita ng mga manonood na may kaka­yahang umarte si Enchong Dee. Magaling na rin si Erich para mag-effort ang young actor na pagalingin ang kanyang performance para hindi siya mapag-iwanan ng kanyang kapareha sa ilang projects na ginawa nila sa TV at maging sa pelikula.

Pero wala namang permanenteng bagay o ka­pareha sa showbiz. After their successful work together na inaakala ng mga tagasubaybay nila ay nagsisimula na ng isang magandang samahan at maaring mauwi sa isang romansa, bigla, may iba nang gagawin ang dalawa at mayroon na silang bagong kapareha.

Masuwerte si Enchong dahil ang maganda at magaling na si Bea Alonzo ang makakapareha niya. Parang sing-galing na rin siya ni John Lloyd Cruz para sa kanya ipagkatiwala ang kapareha nito.

“Kaya nga nakaka-nerbiyos. Paano kung ‘di ko ma-meet ang expectations nila, ibabalik ba nila sa dati na wala akong kapareha at support lang ng mga bida? Kaya nga I feel doubly challenged, minsan nga natutulala pa ako but I’m grateful to Bea, very supportive siya. She makes me feel relaxed, kuwento siya nang kuwento, lahat gina­gawa niya para tanggalin ang tensiyon ko.

“This is not our first time together, nagkasama na rin kami before. Dun nagsimula ang aming friendship, yes kahit sikat siya, siya ang buma­baba sa kanyang kinalalagyan para maabot ng mga baguhang tulad ko. I felt naging friends na kami, ‘yun nga lang matagal bago kami nagkatrabahong muli. Medyo may hiyaan lang ng konti on my part pero, sa kanya she welcomes me like a long lost friend,” papuri ni Enchong sa aktres na matagal na niyang crush.

“Crush lang naman, an inspiration para pag­butihin ko ang trabaho ko para hindi naman naka­kahiya kapag nagkasama kaming muli. Nangyari na nga, I hope I won’t disappoint our bosses at mas­ki si Bea na rin,” sabi nito.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES