Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, May 25, 2010

EJay Falcon ‘kinasusuklaman’ ang amang foreigner

NAIMBITAHAN kaming manood ng ASAP XV last Sunday at bago kami pumasok sa loob ng studio, nakatsikahan namin si EJay Falcon, isa sa Star Magic talents.

Matapang na naikuwento ni EJay na British national ang tunay na ama pero hindi na niya nakita magmula nu’ng isilang siya hanggang ngayon.

Twenty-years-old na siya ngayon at wala raw siyang balak hanapin o kilalanin pa ang tunay ama.

In fact, “nasusuklam” daw siya rito sa ginawang pag-iwan sa kanya.

“Bata pa ako ay pinagtatawanan na ako sa aming lugar. Iba kasi ang hitsura ko. Medyo maputi at kaiba sa kabataan sa amin at sa mga kapatid kong kinala-kihan.

“Twelve years old na ako nang ipagtapat ng mother ko ang totoo na British national ang tunay kong ama. At nasa sinapupunan pa lang daw ako ay iniwan na kami ng aking ama.

“Pero tinanggap pa rin ako ng kinalakihan at na-kilala kong ama nang malaman niya ang katotohanan. Dahil mahal na mahal niya ang aking ina kaya itinu-ring na rin niya akong tunay na anak,” mahabang kuwento ni Ejay sa amin.

Thankful din daw siya sa Star Magic dahil sa pagtitiwalang ibinibigay sa kanya mula nang maging talent siya nito at isinama sa shows ng Dos at bida na sa serye ng Pepeng Agimat bilang si “Pepeng Kur-yente.”

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES