Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, May 07, 2010

Empress gaya-gaya kay Anne?

Ikinukumpara nga-yon si Empress kay Anne Curtis dahil una nang ginampanan ng tisay na aktres ang Kampanerang Kuba sa TV.

Gaya-gaya lang daw siya sa kanyang Rosalka kung saan isang kuba rin ang role niya.

“Iba naman ang Kampanerang Kuba sa Rosalka. Kasi original material ito at hindi ito halaw sa komiks. At saka magkaiba rin ang pagkakuba namin ni Anne. Kasi ‘yung dinadala ko palang umbok sa likod ko ay buhay. Kaya ito ang dapat abangan ng lahat dahil may mangyayaring hindi inaasahan sa bandang gitna ng istorya,” depensa ni Empress.

Pinagsasabong din ngayon sina Empress at Andi Eigenmann dahil pareho silang binigyan ng big break ng ABS na magbida sa sarili nilang teleserye.

Kaya rin ba niyang magpa-sexy tulad ni Andi na madalas na naka-two piece sa Agua Bendita?

“Kaya ko rin ‘yung ginagawa ni Andi. Willing din akong magpa-sexy kung kinakailangan. Kung saka-sakali, ang gusto kong makapareha si John Lloyd Cruz dahil siya talaga ang crush ko noon pa. Nagagalingan ako sa kanya bilang isang aktor at isang malaking honor sa akin ang makatrabaho siya,” say pa ni Empress.

Samantala, sina Matt Evans at Felix Roco ang leading men niya sa Rosalka na mapapanood na si-mula sa May 17.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES