Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, May 29, 2010

From "ABS-CBN Broadcasting Cor­poration" to just "ABS-CBN Corporation"

Muli na namang kinilala ng Institute of Corporate Directors (ICD) ang ABS-CBN bilang isa sa pina­kamahusay na kumpanya sa taong 2009 pagda­ting sa corporate governance at compliance prac­tices.

Ang ABS-CBN, na tanging multimedia company na nakuha ang parangal sa dalawang magka­sunod na taon, ay isa sa 30 kumpanya na naka­kamit ng pinakamataas na score kapantay ng pan­daigdigang pamantayan.

Layunin ng taunang event na itaguyod ang trans­parency, pananagutan, at maayos na pama­malakad ng kumpanya sa lahat ng publicly-listed com­panies sa Pilipinas. Iba’t ibang korporasyon mula sa iba’t ibang sektor ang sinuri at binigyan ng score base sa karapatan at karampatang paki­kitu­ngo sa mga shareholders, papel ng mga stake­holders, pagsisiwalat at trans­pa­rency, at respon­sibilidad ng mga board members ng kumpanya.

Ang ICD ay isinagawa ang Corporate Gover­nance Scorecard sa tulong ng Securities and Ex­change Commission, the Philippine Stock Ex­change, at Ateneo School of Law.

Kamakailan ay pinalitan ng ABS-CBN ang pangalan nito mula ABS-CBN Broadcasting Cor­poration ng ABS-CBN Corporation para sumalamin sa patu­loy na paglago ng kumpanya mula sa pagiging broadcasting network hang­gang sa pagiging isang multimedia conglomerate.

“Nais namin na maalala ng publiko ang ABS-CBN hindi lang bilang isang broad­casting compa­ny. Sa mga nagdaang taon, kami ay gumagamit ng iba pang media platforms bukod sa broadcas­ting,” sabi ni ABS-CBN Chairman at CEO Eugenio Lopez II sa kakatapos lamang na taunang stockholders meeting.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES