Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, May 13, 2010

Jake Cuenca naghirap mag-muay thai

Ang suwerte-suwerte ni Jake Cuenca. Everyday na nga siyang napapanood sa Rubi, heto at meron pa siyang bagong programa tuwing Sabado - ang Elias Paniki na ika-apat na kuwentong handog ng Agimat : Mga Alamat ni Ramon Revilla na magsisimula nang mapanood sa May 29.

Itinuturing na isa sa pinaka-in demand na leading men ng ABS-CBN ang aktor na ngayon ay sasabak sa kanyang kauna-unahang lead title role sa isang action/adventure genre.

Ang epektibo niyang pag­ganap bilang Dave sa Tayong Dalawa ay isa sa pinaka-hindi malilimutang karakter sa kanyang career.

Sa kanyang pagpasok sa pinakabago niyang TV project, maraming preparation ang ginawa ng aktor. Sa kanyang pag­ganap sa papel ni Elias Paniki, dumaan sa ma­tinding training ng Muay Thai si Jake. Ang Muay Thai ay isang disiplina na ang ibig sabihin ay Science of Eight Limbs dahil ginagamit ng taong sumasailalim sa ganitong klase ng disiplina ang kanyang braso, siko, binti at tuhod bilang kanyang armas.

Say ni Jake na alam niya na malaki ang naging kontribusyon ni Ramon Revilla Sr. sa kasaysayan ng industriyang kan­yang tinatahak. “I am very aware sa con­tributions ni Sir Ramon Revilla Sr. sa local movies, na up until now, pinahalagahan pa rin ng marami,” saad ng binata. Dagdag pa nito, “Just being a part of this makes me proud and happy.”

Sa ilalim ng direksiyon ni Dondon Santos, ang Elias Paniki ay umiikot sa karakter ni Elias, na matapos turuan ng isang sundalo ay pi­nasahan ng isang kakaibang agimat, ang Ber­tud ng Paniki.

Makakasama rin ni Jake sina Cherry Pie Picache, Jojit Lorenzo, Kelly Misa, Xian Lim, Sam Pinto, at Hermes Bautista ng PBB Double Up.

Eh bakit ba si Sam ang napiling leading lady niya? Minsan ding na-link si Jake kay Sam.

Fresh daw kasi ang team up ng dalawa?

Eh bakit hindi na lang si Melissa Ricks ang ibinigay na partner niya? Kasi raw ka-partner ang real life GF niya ni Jolo Revilla sa Pepeng Agimat.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES