Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, May 26, 2010

Kapalit na Kris Aquino pinag-iisipan na ni Boy

Palaisipan pa rin kay Boy Abunda kung sino ang ipapalit kay Kris Aquino sa The Buzz at SNN.

“Actually, wala pa akong alam kung sinong ipapalit ng management kay Kris. Pero siyempre sasabihin din nila ’yun sa akin. Sa ngayon ay wala pa talaga,” say ni Kuya Boy

Hindi rin makumpirma ni Kuya Boy kung babalik siya sa dating gawi na paiba-iba ang kasama sa talk show. Itinanggi rin ni Kuya Boy na si Toni Gonzaga ang napipisil na ipalit kay Kris para maging co-host niya sa dalawang talk shows na iiwan ni Kristeta.

Tinanong din si Kuya Boy kung nalungkot ba siya sa naging desisyon ni Kris na iwan ang shows na magkasama sila?

“Sanay na ako. Kahit naman hindi kami magkasama, eh, nag-uusap kami araw-araw. We were together everyday,” sagot ni Boy.

Sang-ayon ba siya sa desisyon ni Kristeta umalis sa The Buzz at SNN?

Tama raw ang naging desisyon ni Kris na magresign para maiwasan ang mga hindi dapat mangyari.

“May pagkakataon kasi nakapagko-comment si Kris na ang dating sa detractors niya ay hindi maganda kaya pinalalaki. Kaya mas mabuti na rin ’yun na mawala siya sa talk show. Saka hindi naman niya tuluyang iiwanan ang tele-bisyon dahil mayroon naman siyang teleserye at puwedeng magkaroon ng ibang programa sa ABS-CBN,” eksplika pa niya.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES