Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, May 28, 2010

KC Concepcion kinilig kay Binoe

KINILIG ang dalaga ni Megastar Sharon Cuneta na si KC Concepcion nang da-lawain ni Robin Padilla sa kanyang show na Simply KC nu’ng Miyerkules.

Guest ni KC si Pokwang nang biglang sumulpot ang action star sa programa.

Nagulat si KC sa pag-apir ng lalaking dating nagkaroon ng kaugnayan sa kanyang ina. Tuwang-tuwa naman si Pokwang na hindi itinatago ang pagka-crush kay Robin lalung-lalo na kapag nasa Wowowee sila.

Hinalikan ni Binoe ang kamay ni KC, tanda ng pagbati sa kanya na sobrang ikinakilig ng dalaga.

“Kung hindi lang muntik na kitang naging tatay,” say ni KC, na ikinatuwa ng mga nasa loob ng studio.

Dati kasing naging boyfriend ni Sharon si Binoe noong maliit pa si KC.

Pero inamin ng aktres na sa lahat ng mga naging boyfriend ng kanyang ina, “Si Robin po ang major crush ko noon.”

Naku, Binoe, hindi kaya bumalik sa ‘yo ang nakaraan?

Pero, hindi kaya ang ma-ging target mo ngayon ay hindi na si Mam Sharon, kundi ang anak na nitong si KC? Joke!!!

Aminado si KC na gusto niyang mag-guest sa kanyang programang Simply KC si Binoe at makasama rin sa isang proyekto.

At bilang isang baguhang TV host, napakahusay ni KC. Kering-keri niyang makipagsabayan sa mahuhusay na female host.

Kampanteng-kampante lang siya habang kinakausap ang mga artistang guest sa programa.

Magwa-one week pa lang ngayon ang Simply KC pero marami na ang sumusubaybay sa morning show niyang ito. Congrats, KC!

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES