Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, May 22, 2010

KC Concepcion nagkaliskis ng isda sa palengke

Maraming ginawang kakaiba si KC Concepcion para sa kanyang bagong talk show, Simply KC sa ABS-CBN na hindi niya ginagawa noon.

Nagpunta sa palengke, nagkaliskis ng isda habang nagbebenta kasama si Jericho Rosales (susuyurin nina ni KC at Jericho ang palengke habang ibina­bahagi ng aktor ang mga diskarte tips na kanyang natutunan ng mga panahong siya ay nagtatrabaho pa bilang tindero at kargador sa Concepcion Market sa Marikina), nag-biking kasama si John Lloyd Cruz na inamin niyang noon lang tumibok ng ganun ang puso niya nang makaharap niya ang aktor (sasamahan si KC ng pinakamainit na leading man sa showbiz na si John Lloyd at sabay nilang babaybayin ang malubak na daan at magte-trail biking.)

Hahamunin naman ng magkapatid na Luis Manzano at Ryan Christian Recto ang mega daughter na lumahok sa kanilang paboritong bonding activity - ang Muai Thai kickboxing.

Magsasanib puwersa naman ang parehong lolo at lola’s girl na si KC at Mariel Rodriguez at pag-uusapan ang kanilang paglaki sa piling ng mahal nilang mga lolo at lola habang maglalabasan naman ng sikreto pagdating sa pag-ibig ni KC at ang komedyanang si Pokwang.

Sasabak din si KC sa mga sariling hamon tulad ng pagsakay ng LRT sa unang pagkakataon at paggupit ng buhok ng ilang mga lola sa Golden Acres.

Ang impression ng marami, aabante ng oras ng Showtime at ang programa ni KC ang papalit sa inookopa nitong oras. Pero mali. Mas maaga itong mangangalampag sa ating tahanan, 9:45 a.m.

Tanong ni Lola E sa presscon ng programa, “Paano naging Simply KC ang title ng programa samantalang anak ka ni Megastar Sharon Cuneta, Senador ang papa mo at actor ang daddy mo. Ano na lang ang tawag sa ordinaryong tao na tulad namin?”

Mabilis ang sagot ni KC. “Tao lang din po ako. Simple at totoo ang pinagda­daanan ko katulad ng mga pinagdadaanan ng totoong tao.”

Kapag wala na raw ang ilaw at wala na ang camera, makikilala ang isang dalagang simple, totoo, at katulad din lang pala ng iba na si KC na mangyayari nga sa kanyang programa.

“Excited talaga ako sa mga pagdadaanan ko sa programang ito kasama ang aking mga guest at siyempre kasama ang mga manonood. Marami tayong pupuntahan, maraming makikilala, at siyempre marami tayong matutunan ng magkakasama,” sabi ni KC.

Nakapila na ang nababalitang boyfriend niyang si Piolo Pascual sa programa. Umoo na raw ang aktor pero hindi pa nakukunan ang episode nila.

Kung siya ang tatanungin, gusto niyang makasama sa show sina Boy Abunda, Kris Aquino, (Papa) Gabby Concepcion and (Mama) Sharon Cuneta, Angel Locsin and Toni Gonzaga. Sa kanyang mga ex, si Direk Lino Cayetano ang gusto niyang maka-tsikahan.

Sa issue naman na bakit binigyan siya ng sariling talk show eh hindi pa naman daw siya hinog sa pagho-host. “Matagal na po akong nagho-host. Seventeen years old pa lang, nagho-host na ako sa MTV. Two years akong nag-host. Baka hindi nila napapanood ang show ko noon,” sagot ng anak ni Mega.

Ginagawan ng intriga ang kanyang show lala na ng mga fans ni Toni G. Bakit daw si KC ang nagka-talk show samantalang mas beterana naman ang kanilang idolo.

“Ang dami na po nilang project. Hindi na siguro nila kakayanin kung magta-trabaho pa sila pati sa umaga. They are my friends and I admire them,” sagot niya tungkol sa issue na hindi ko alam kung sino pa ang minamanok ng fans na naunahan ni KC.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 12:11 AM, Anonymous Anonymous said...

go kc..don't mind the negative remarks..make it as a challenge.you and toni are friends.don't let her fans pud you down.

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES