Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, May 18, 2010

Libreng grocery ni Kris hindi totoo

Talagang walang patid ang demolition job kay Kris Aquino. Matapos ang maraming sulat ng pagpa­paalis sa kanya na siya raw mismo ang na­ngako nung kasagsagan ng kampanya, text mes­sages naman na sinasabing nagmumula sa kanya ang kumakalat na nangangako ng mga libreng cellphone load at pera sa lahat ng bumoto sa kan­yang kapatid bilang pangulo. May text din na nag­sasabing lahat ng nakasuot ng dilaw ay tatanggap ng libreng grocery mula sa Puregold. Nagalit yung maraming nagpunta sa Puregold matapos malamang naisahan sila.

Nakatutuwa na dati ay pinapatulan ni Kris ang kahit na ang pinaka-maliit na intriga na may layong pasamain siya sa publiko pero bakit sa halip na siya ang magsalita tungkol dito ay si Boy Abunda ang sumasagot at nagpapaliwanag para sa kanya. Paano ba nawala ang tapang at lakas ng loob ni Tetay?

Isang payo lang kay Kris, ngayong mas lumi­naw na ang posibilidad na maging pangulo si Noynoy, dapat nag-iingat na siya sa kanyang mga pananalita. Napanood ko siya sa Pilipinas Got Talent na kung saan nangako siya sa isang grupo ng magkakapatid na lalaki na magpi-perform sila sa inauguration ng kanyang kapatid bilang pre­sidente ng Pilipinas. Puwede ba ito? Hindi ko alam ang protocol dito pero dapat hindi niya inila­lagay ang kanyang kapatid sa isang sitwasyon na hindi ito makakatanggi dahil kapatid siya pero paano kung hindi pala pwede?

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES