Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, May 26, 2010

Mariel Rodriguez at Zanjoe Marudo - Break Na

BREAK na raw sina Mariel Rodriguez at Zanjoe Marudo at ang itinuturong dahilan ay si Robin Padilla.

Pero ayon naman sa text message ni Mariel na ipinadala sa Showbiz News Ngayon (SNN) nu’ng Lu-nes ng gabi, huwag daw idamay si Robin sa problemang kinasasang-kutan nila ngayon ni Zanjoe.

Nakakahiya naman daw kasi sa action star.

Si Robin ang pansamantalang pumalit kay Willie Revillame bilang special host sa Wowowee. First time na nakasama ni Mariel si Robin sa show kung saan first time din ni Robin na mag-host since nag-artista siya.

Aminado si Mariel na na-starstruck siya sa action star nu’ng magkita sila sa noontime show dahil idol na niya ito kahit wala pa siya sa showbiz.

Katunayan, ang magandang TV host mismo ang nagsabi na nawawala ang kanyang kadaldalan kapag nakakasama sa segment ang idol ng Pilipinas at nanlalamig ang buo niyang ka-tawan.

Gandang-ganda naman si Robin kay Mariel lalung-lalo na raw ang mata ng aktres na gustung-gusto niyang tingnan.

Marami ang nagsasa-bing nagseselos daw si Zanjoe kay Robin kaya nag-break diumano ang dalawa.

Napakababaw naman sigurong dahilan kung ‘yun nga ang naging rason ng paghihiwalay nina Mariel at Zanjoe.

Siguro talagang may misunderstanding na ang dalawa nu’ng pumasok si Ro-bin sa Wowowee.

Huwag daw naman ga-wing isyu na si Robin ang cause ng hiwalayan nina Mariel at Zanjoe.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES