Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, May 25, 2010

Willie Revillame hihingi ng tawad sa ABS-CBN

Natuloy din kahapon ang naudlot na closed-door meeting sa pagitan ng kontrobersyal Wowowee host na si Willie Revillame at ng big boss niya sa ABS-CBN na si Gabby Lopez.

Kaso, ngayong Miyerkules pa lang malalaman ang opisyal na desisyon kung “in” pa rin o “out” na ito sa Kapamilya network.

Ayon sa isang source, ginawa ang pag-uusap sa isang undisclosed place sa Makati.

Kung hindi kami nagkakamali, bandang alas-singko ng hapon ini-schedule ang meeting at habang isinusulat ang item na ito, ongoing pa rin ang pag-uusap.

Nu’ng una’y dalawa lang daw dapat sina Gabby at Willie na mag-uusap, pero ipinasama na rin ng una ang ABS-CBN prexy na si Charo Santos-Concio.

Ang suspetsa ng aming source, ang napagkayarian ay hihingi ng tawad on-air si Willie sa management ng Dos. Mas malamang na hindi sa mismong studio ng Wowowee ito gawin, kung saan unang hinamon ni Willie ang management na sibakin ang naninira raw sa kanyang si Jobert Sucaldito kung hindi, eh, siya ang magre-resign.

Sa ibang venue raw ilalabas ang public apology, maaaring sa newscast na TV Patrol World, maaari ring hindi. Hindi raw sa Wowowee gagawin ang paghingi ng tawad dahil ito’y venue raw ng pagpapasaya sa mga tao.

“Ngayong araw pa lang talaga aayusin ang iba pang details,” dagdag ng source.

Samantala, “madugo” naman ang term na ginamit ng isa pang source ng People’s Tonight dahil kung marami raw kontra sa pagbabalik ni Willie within ABS, meron din namang ilang pabor na i-honor ang kontrata niyang hanggang 2011.

Marami ang nag-abang sa kinahinatnan ng pag-uusap nina Gabby at Willie, lalo pa nga’t hanggang Biyernes na lang ang guest host na si Robin Padilla sa Wowowee.

Kung si Robin ang tatanungin, mabigat daw ang loob niyang iwan ang programa, pero kailangan niyang balikan ang mga naiwang trabaho gaya ng pelikula.

Nag-wish pa nga ito na mapagbati sina Willie at Jobert bago man lang niya iwan ang Wowowee.

Pero nang makausap namin si Jobert kahapon, sinabi nitong although naa-appreciate niya ang wish at kabaitan ni Robin, hindi raw niya feel ang plinanong pagbabati. Mas type raw ni Jobert na magkaayos sila ni Willie sa tamang panahon.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES