Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, May 08, 2010

Willie Revillame ‘nagbakasyon’ muna sa WOWOWEE

HANGGANG ngayon ay wala pa rin sa Wowowee ang host na si Willie Revillame.

Nagmumuni-muni pa ang sikat na host at allowed naman siya dahil marami siyang bakasyon.

Right now, ibinibigay niya ang oras sa panga-ngampanya kay Sen. Manny Villar, standard-bearer ng Nacionalista Party.

Katunayan, kahapon ay todo-suporta ang Wo-wowillie Meets Rockatropa (Handog ni Sen. Manny Villar) sa miting de avance ng NP na ginanap sa Manila Harbour Centre, Radial Road 10 (R10), Vitas, sa Tondo.

Kasama rin sa miting de avance ng Nacionalista Party sina Sarah Geronimo, Dolphy at Manny Pacquiao.

Mas pinili ni Villar na ganapin ang miting de avance sa Tondo kung saan siya ipinanganak.

Tungkol naman sa isyu about Willie at ng aming colleague na si Jobert Sucaldito, nagpahayag ang ABS-CBN management na agad nilang kinausap ang dalawa at naniniwala ang Kapamilya Network na maaayos ang lahat sa magandang usapan.

At sana, huwag nang ma-kisawsaw pa ang ibang manunulat para hindi na humaba pa ang isyu.

Dalangin din ng fans ni Willie na sana raw, mapanood na nila nang live ang Wowowee host. Iba raw kasi kapag nasa Wowowee si Willie.

“Kapag nasa Wowowee siya lahat kami ay masa-yang-masaya. Mga overseas worker kami at ang programa niya ang pinapanood namin sa Amerika dahil nakakaalis ng pagod at feeling namin ay nasa Pilipinas pa rin kami kapiling ang aming pamilya kapag nanonood kami ng Wowowee,” komento ng isang diehard fan ng Wowowee na aming nakausap.

Kuya Will has a good and big heart, kaya alam naming maaayos din ang lahat sa kanila ni Jobert.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

2 Comments:

At 9:09 PM, Anonymous Anonymous said...

Willie should be fired. He has become more arrogant over the years. And the fact that he thinks that he is the king of the world and his show is the ultimate, makes me believe that he will only turn out worse if not fired IMMEDIATELY

 
At 11:04 AM, Anonymous Anonymous said...

Tuluyan ng sibakin ng abs-cbn yang Willie Revillame! Abusado at sumobra ang yabang!
Ang kapal ng mukha ni hindi inisip na ang pinatatanggal nya ay may pamilya din binubuhay at may mga taong umaasa sa kanya.
Hanggat maaga dapat ng putulin ang sungay niyan! What more kung mayroon pang mataas na position yan sa channel 2. Lalong magiging kawawa ang mga maliit na tao. Hindi habang buhay nsa tugatog ka ng kasakitan darating ang araw lulubog karin! Dapat mong ipagpasalamat ang lahat ng biyaya natatanggap mo. Matutong magpakumbaba!!!

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES