Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, May 14, 2010

Willie Revillame pinagre-resign ng ABS-CBN sa ‘Wowowee’

MAY tsikang umikot na nagkausap na raw ang management ng Wowowee at si Willie Revillame recently at ang naging takbo raw ng usapan ay humihingi ang TV host ng six months vacation sa noontime show.

Ayon sa tsika, hindi raw pinayagan ng management si Willie dahil masyadong matagal ang six months na bakasyong hinihingi nito. Instead, pinapili raw ng management ang TV host na mag-resign na lang kung talagang i-insist nito ang gusto.

Last Wednesday daw dapat nagsumite si Willie ng request para sa leave of absence pero hindi raw ito nakapag-submit.

Umikot din last Wednesday ang balitang magre-resign na si Willie sa Wowowee pero so far ay wala pa naman daw itong isinusimiteng resignation letter.

Pero napag-alaman naman namin na kasalukuyang nasa Macau ang TV host kaya paano makakapag-submit ng leave of absence or resignation letter or whatever?

As we write this ay hindi pa raw malaman kung kailan babalik ang TV host kaya up to now ay nakabitin sa balag ng alanganin kung ano ang mangyayari sa Wowowee.

[via]

Labels: ,

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES