Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, June 08, 2010

Boy ginulo dahil kay Kris

Si Kris Aquino na naman pala ang dahilan kung bakit marami ang nanlilibak kay Boy Abunda ngayon at tinatawag siyang isa lamang entertainer. Inire­ko­menda niya ito sa kanyang kapatid na nakatakdang umupo bilang bagong halal na pangulo ng Pilipinas para mamuno ng Department of Tourism.

Kilala niya ang kanyang co-host sa SNN at The Buzz, friend for the longest time, manager, con­fidante at ninong ng kanyang anak at kabisado niya ang pagi­ging mahusay nitong marketing man kung kaya naniniwala si Kris na kayang-kaya nitong ibenta ang bansa sa mga turista. Isa pang dahilan kung bakit ginawa ito ni Kris dahil sa kilala niya itong hindi corrupt, magagampanan nito ng ma­husay ang trabaho kung makukuha niya.

Ang hindi niya inaasahan ay ang gulo na nilikha ng simpleng pagrerekomenda niya sa isang kaibigang pinaniniwalaan niyang matapat at makakatulong sa magiging administrasyon ng kan­yang kapatid. Pero sa kabila ng mga pangyayari, walang pagsisising nada­rama si Kris sa kanyang ginawa. Sa kanyang pag­bubunyag sa The Buzz nung Linggo, hiniling na lamang niya na pabayaan siya, mga tatlong linggo na lamang siyang mana­natili sa nasabing programa at pagkatapos ay mananahimik na lamang siya.

Samantala, wala pang deklarasyon si Kris tung­kol sa napapabalitang interes ng kanyang kapatid na kunin din sina Ogie Alcasid at Dingdong Dantes. Bagaman at hindi pa nito nakakausap ang dalawa, sinabi ng presumptive president-elect Noy­noy Aquino sa isang TV interview na may mga advocacy ang dalawa (ang youth para kay Ding­dong at ang music para kay Ogie) na masasayang kung hindi magtutuluy-tuloy. Kakausapin niya ang mga ito pagbabalik nila sa abroad. Ano na namang kayang panlilibak ang tatanggapin ng dalawa sa mga cabinet wannabes?

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES