Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, June 22, 2010

Cesar Montano permanenteng hawakan ang ‘Wowowee’?

ANUMANG araw ngayon, makikipag-meeting na si Cesar Montano sa management ng ABS-CBN para pag-usapan ang paghu-host niya sa kontrobersyal na noontime show na Wowowee.

Sa eksklusibong panayam namin sa actor, kinumpirma niyang may alok sa kanya ang higanteng network para pansamantalang hawakan ang iniwanang show ni Willie Revillame na naka-indefinite break.

“Kung magkakasundo, baka permanente ko nang hawakan ang programa,” ani Cesar.

“Hindi totoong tinanggihan ko ang offer,” pagtutuwid pa ng actor. “Matagal nang inalok sa akin ’yon, kaya lang, ’di ko matanggap dahil paalis ako nu’n papuntang China,” dugtong pa niya.

Ibinalita pa ni Cesar na dumalo siya sa imbitasyon ng World Trade Center China kasama ang ilang kaibigang negosyante.

Tinanggihan mo raw ang Wowowee alang-alang sa pagkakaibigan n’yo ni Willie? Tanong namin.

“Hindi!” mabilis niyang tugon. “Nagkataon nga lang na paalis ako noon,” aniya pa.

Si Robin Padilla, bago tinanggap ang one-week guest hosting, nagpaalam kay Willie. Si Rico J. Puno, kahit isang araw lang nag-host, nagpaalam din sa kaibigan.

Si Cesar, magpapaalam pa rin ba kay Willie?

“Hindi naman siguro kailangan, pero puwede kong sabihin sa kanya,” ang mabilis niyang tugon.

“Ang pagkakaalam ko, ang Wowowee ay pag-aari ng ABS-CBN. Pero aalamin ko rin ang sitwasyon.”

Nakatakda siyang makipag-usap sa management ng ABS-CBN ’di lang tungkol sa Wowowee kundi para alamin kung tuloy pa ba ang Singing Bee.

Kailangang ayusin ni Cesar ang schedule dahil dalawang pelikula ang naka-schedule niyang gawin sa dalawang movie outfit.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES