Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, June 15, 2010

Cristine nadamay sa kapalaran ni Ara

Ayaw makialam ng Viva Artists Agency sa sinapit na kapalaran ng alaga nilang si Cristine Reyes sa Amerika. Kasamang naloko si Cristine at kapatid niyang si Ara Mina sa mga shows nila doon. Karamihan sa pinuntahan nilang lugar para mag-concert ay hindi nagbayad ng matino ang produ.

Nag-usap na sina Cristine at ang manager niyang si Ms. Veronique del Rosario-Corpus thru Facebook at tinanong ang alaga kung gusto nitong mag-demanda, pero ayon daw kay Cristine ay ayaw na niya dahil waste of time and money lang.

Hindi sinisisi ni Ms. Veronique si Cristine sa nang­yari dahil ang kapatid nitong si Ara ang nakipag-negotiate sa mga producers sa Amerika kaya natural na hindi natanggihan ni Cristine.

Kaya lang ‘di ba sa status at sa bonggang ca­reer ni Cristine ngayon, hindi na siya dapat nagso-show sa mga maliliit na venue sa Amerika like sa mga casino or mga restaurant doon?

Ang ganda ng career niya sa ABS-CBN, may sarili siyang show na malapit nang mapanood at ang dami niyang commercials kaya nakakatakang nagto-tour pa siya sa Amerika. Or kung magso-show man siguro siya abroad, hayaan niyang Viva ang makipag-negotiate dahil at least doon, may down payment agad at may contract na pinirmahan.

Hanggang kahapon ay nagti-tweet si Ara : “Don’t know what to say anymore I’m going home in
a few days but still di pa nabibigay ang balance sa amin. Bahala na si Lord kay Guia Natividad!”

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES