Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, June 19, 2010

Gretchen Barretto tinalbugan na si Claudine

TALK of the town pa rin si Gretchen Barretto, kahit sabihin pang may prior notice sa presscon ng Magkaribal, na mapapanood na sa June 28, na huwag na siyang magsalita about her issue with Angelica Panganiban. Matatandaang noong nakaraang ilang linggo ay nagkaroon ng word war sina Greta at Angelica dahil sa pagiging vocal ni Gretchen na mamimi-miss niya ang leading man niyang si Derek Ramsay, kapag nagbakasyon ito kasama ang nobya.

Natural na agad namang nag-react si Angelica, as in, hindi napigilan ng aktres na magtaray at tumaas ang kilay!

In fairness, behave na si La Greta sa presscon at talagang sinikap niyang tumahimik na lang tungkol sa mga isyung ipinupukol sa kanya.

Aniya, na-realize raw niyang sa sobrang pagiging playful at naughty niya, may mga nasasaktan na pala raw siya. Mas gusto na lang daw ni Gretchen ang tumahimik ngayon.

Hmmm… ganoon? Hindi kami sanay, huh!

Isang fashion-serye ang Magkaribal, na tatalakay sa buhay ng magkapatid na nagkahiwalay na eventually, nagtagpong muli para lang maging magkaribal sa career at pag-ibig.

Tinanong agad si Gretchen kung sa tingin ba niya ay may masasabi siyang kari-bal sa totoong buhay?

“I’d rather see people as an inspiration and not as a competition,” parang beauty queen pang sagot ni Gretchen.

Dahil unang fashion-serye ito ng ABS-CBN, aminado ang direktor na si Nuel Naval na malaki ang budget na kinailangan nila for this project.

Aniya, very expensive raw ang production cost nito. Siyempre, pati damit, sapatos, bags ay kaila-ngang mamahalin ang ga-gamitin. Plus the fact na bigatin pa ang mga artistang kasama sa cast tulad nina Erich Gonzalez, Enchong De, Mark Gil , Robert Arevalo, Angel Aquino at iba pa.

Pero bongga si Greta, talagang sarili raw niyang mga gamit ang suot niya all throughout the taping.

“Wala namang pinapagamit sa akin ang production, eh,” say ni Greta.

Dahil rarampa sa runway si La Greta, puro signature at mamahaling gowns ang kanyang suot. Natural, hindi naman mapakali ang mga interesado kung sino ang designer ng suot na gowns ni Gretchen. Alangan man, pero inamin din niyang Prada at Balenciaga ang suot niyang gowns na paborito niya. Pero hindi ibig sabihin nito, hindi na siya tumatangkilik ng gawang Pinoy. Say ni Greta, may Pinoy designers din siyang type, tulad nina Inno Sotto at Joji Lloren, na hinahangaan niya ang talent.

Usap-usapan din na ta-lagang tinalbugan na ni Gretchen ang kapatid ni-yang si Claudine Barretto na balitang hindi raw nag-rate ang show sa GMA7? Kalokah!

Ito kasi ang seryeng da-pat ay pagsasamahan nilang magkapatid, kaso lumipat si Clau sa Siyete, pero itinuloy pa rin ni Greta ang soap at si Bea nga ang kapalit. Abangan ang agawan, harapan at labanan nina Greta at Bea sa Magkari-bal on June 28, sa Primetime Bida ng Dos.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES