Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, June 28, 2010

Hiwalayang Kris at James tatlo ang rason

Tatlo ang rason na ibinigay ng super reliable source na insider ng Dos kung bakit lumala ang away ng mag-asawang Kris Aquino and James Yap.

No. 1 – Nanghingi ng favor si James na kung puwede raw sanang tulungan ni Kris ang kapatid niyang nurse para maka­kuha ng US visa at ma­kapagtrabaho sa abroad. Pero parang na-misinterpret daw ni Kris at nagalit.

Sagot daw nito sa asa­wang basketbolista, hindi sila ganun na parang gumagamit ng connection.

Nurse ang nasabing kapa­tid ni James na sa bahay nilang mag-asawa nakatira habang nag-aaral.

No. 2 – Nagalit si Kris kay James dahil nagpa­alam ito na dadalaw sa kamag-anak sa Negros na hindi kakampi ni P-Noy nang kumandidato.

Ayaw daw ni Kris at hindi pinayagan.

No. 3 – Nawala na rin ang closeness nina James at Joshua kaya talagang mainit na raw ang dugo ni Kris
sa asawa.

Nagkukuwento na rin si James sa problema nila ni Kris sa kanyang mga kaibigan.

Super react din si James na lumabas ang ku­wento sa problema nila sa interview kay Tito Boy Abunda na naipaliwanag naman ang kanyang side na nagsabi lang daw siya (Boy) ng kato­tohanan at ayaw niyang mag­sinu­ngaling kaya sinabi niya ang problema ng mag-asawang James at Kris sa mga Cebuano.

Pero ang katuwiran daw ni James, bakit kailangan pang ikuwento samantalang siya nga ay nanahimik?

Sabi rin daw ni James, puro tweet lang na­man si Kris na in fairness to her naman ay sus­pended na ang kan­yang Twitter account.

Kahapon sa The Buzz ay walang ibinigay na con­crete reason si Kris sa hiwalayan nila. Pero sina­bi niyang “suko na ako” tungkol sa relasyon nilang mag-asawa dahil nagsakripisyo na raw siya.

Sa tono ng pananalita ni Kris, mukhang hindi na nga masi­silayan si James sa inauguration ni president-elect Noynoy Aquino. Pero kung tama ang dinig ko sa ku­wento ng source last Saturday night, napakiusapan pa si James na dumalo, pero malamang na after ng inter­view ni Tito Boy kay Kris kahapon sa The Buzz, ang kapal na­man ni James kung magpapakita pa siya.

Ang bongga talaga ni Kris. Kinabog niya si P-Noy!

Hmmm. Hindi kaya matalbugan ni Kris si P-Noy sa rami ng publicity kahit presidente na ang kan­yang kapatid?

Makulay ang magiging pamumuno ni Noynoy bilang pre­sidente ng bansa. Bukod sa inaasa na sa kanya ng buong ba­yan ang pag-asenso at pag­ba­bago sa buhay ng kara­mihan, aabangan din ang kilos at sasabihin niya sa madra­mang buhay pag-ibig ng kanyang bunsong kapatid na si Kris.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES