Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, June 21, 2010

Jake Cuenca liligawan ulit si Sam

INIHAYAG ng Elias Paniki star na si Jake Cuenca na isa si Sam Pinto sa mga taong lubos na nakakikilala sa kanya.

“Isa si Sam (Pinto) sa mga tunay na nakakIkilala sa akin kaya from the start, I have always treasured our friendship,” sambit ng aktor sa isang panayam.

Inamin na noon ni Jake na minsan na niyang niligawan si Sam bago pa siya maging busy noon sa seryeng Tayong Dalawa. Ngayon na nagsasama ang dalawa sa isang proyekto, aminado ang aktor na nagulat siya sa kung papaano sumasabak si Sam sa show business. “Nagulat ako. Kasi dati she would tell me na ayaw niya talaga mag-artista noon. Ngayon na nakakaeksena ko na siya, napapapalakpak ako in my mind kasi galing niya na umarte,” sabi ni Jake.

Samantala, kahit na naudlot ang panliligaw ni Jake sa totoong buhay, sa Agimat Presents Elias Paniki, magkakaroon muli ng pagkakataon si Jake, bilang Elias, na pukawin ang puso ni Sam (bilang Amanda) sa pagtatagpo ng kanilag landas.

Napapanood ang Elis Paniki pagkatapos ng TV Patrol Sabado sa ABS-CBN.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES