Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, June 18, 2010

Jim Paredes as Department of Tourism head?

KUNG ang APO Hiking Society member na si Jim Paredes ay natsitsismis na ipapalit ni President-elect Noynoy Aquino kay Boy Abunda bilang pinuno ng Department of Tourism at si Leah Navarro ay nag-submit na umano ng resume sa kampo ng uupong pangulo, si Basil Valdez, walang planong humalo sa pagririgodon sa government posts.

Alam nating naging aktibo sina Jim at Leah sa mga rally ng mga Aquino nu’ng nabubuhay pa ang dating Pangulong Cory, pero si Basil, tahimik lang, ’di umeeksena’t patuloy na kumikilos sa pagtulong sa mga kabataan.

Alam n’yo bang mula 1986 pala, eh, may napa-graduate nang 63 scholars ang seasoned balladeer? Nagsimula raw siya sa 11 students at seed money na P150,000.

Dahil wala ngang gaanong pondo, hiningi ni Basil ang tulong ng ilang mga kaibigan sa Ateneo. Nangaroling sila hanggang sa maka-raise ng datung.

Buhay pa raw noon ang TV host na si Helen Vela at isa ito sa kanilang naging generous sponsors.

Biro ng isang malapit na kaibigan, ang mga pinaaaral ang isa sa rason kung bakit hanggang ngayon, aktibung-aktibo pa rin si Basil sa pagpe-perform kahit can afford na sana itong mag-relax at magpasarap sa buhay.

Katunayan, sa July 17, makakasama siya nina Joey Albert, Verni Varga, Gino Padilla, Charlie Green at The Company sa concert na OPM Through the Years sa SMX Mall of Asia.

Sa ngayon daw, may lima pang pinag-aaral si Basil sa kolehiyo, isa na rito ang panganay na anak ng kanyang helper of 30 years na si Flora, na naka-enroll sa Cagayan Colleges of Tuguegarao.

No wonder, sobrang blessed si Basil, ha.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES