Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, June 02, 2010

Kim Chiu at Gerald Anderson - Break na?

Pareho namang itinatanggi nina Kim Chiu at Gerald Anderson na break na sila.

Ayon sa dalawa, paano mangyayari ’yon gayung hindi pa naman daw sila?

Pero marami ang kumukumpirma sa amin na talagang split na ang dalawa at kaya ayaw lang umamin ay dahil nga magiging negative sila sa paningin ng tao since never naman silang umamin na naging sila.

Marami rin kaming naririnig na ispekulasyon hinggil sa breakup.

May nagsasabing may third party on the part of Gerald. Pero may nakarating din sa aming tila one-sided lang ang relasyon ng dalawa dahil ang young actress lang ang nagmamahal.

Isa pang tsikang nakarating sa amin, malapit na rin daw buwagin ang Kim-Gerald loveteam dahil nababawasan na ang kilig factor sa dalawa.

Well, sana naman ay hindi totoo dahil tiyak na magwawala ang libu-libong Kimeralds kung sakaling buwagin na nga ang loveteam.

In fairness naman kina Kim at Gerald, kahit maraming intriga, nagagampanan pa rin nila ang role na mag-asawa sa Kung Tayo’y Magkakalayo at kung panonoorin mo sila, parang wala namang problema.

Ipagdasal na lang ng Kimeralds na tsismis lang ang lahat at manatiling smooth-sailing ang pagsasama ng dalawa.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES